If only
Tawang-tawa si Seya nang ikwento ko sa kanya na sinabi ko kay Ali ang tungkol sa usapan namin.
"Oo nga naman, may point sya! Unfair," hagalpak niya. "Ba't pag may close sa babae ang tawag ay boy bestfriend pero pag sa lalaki side chick agad," halos maluha sya.
"Yan, ganyan kayong mga babae." Cal bitterly said bago sumubo ng chips. "Aping-api na talaga kami sa lipunang 'to sa totoo lang,"
Seya just laughed at him even more. Nandito kaming tatlo ngayon sa cafeteria para sa break.
"Iba naman kasi yon," depensa ko. "Totoo namang kaibigan ko lang si Elcid eh."
"Ah, so si Elcid ang tinutukoy niya?" halakhak ni Seya.
Tumango ako.
"Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?" Cal asked before taking a sip of zesto.
"Hmm? What do you mean?" pangalumbaba ko habang nagsasawsaw ng fries.
Kumuha rin sya doon.
"Ali," he said. "You didn't tell him about Elcid?"
Natigilan pa ko bago nakuha ang sinasabi niya.
Bumagsak ang tingin ko bago umiling.
Kunot ang noo ni Seya samin. She leaned forward on the table.
"Tell him what?" she spat. "Give me context naman!"
Nagkibit-balikat si Cal habang dumadampot ng chips.
"Na matagal nang basted kay Einj si Elcid," he just nonchalantly said.
Nalaglag ang panga ni Seya.
"The fuck? Kelan pa?!"
Cal shrugged.
"Dati pa yun eh. I think grade 7 or 8?" bumaling pa sya sakin. "Basta nung high school," aniya na lang.
"Hindi naman basted ang tawag dun," agap ko. "Technically, he never really officially courted me in the first place."
Gulantang pa rin si Seya sa mga naririnig. Humagalpak naman si Cal.
"Ganun na rin yun, Einj. Kaya nga pinigilan mo na agad dahil alam mong nagpaparamdam na." aniya. "He just didn't directly declared na nililigawan ka na niya,"
"Damn, Einj! How come you never told me about all these?" Seya exclaimed.
Binalik ko ang atensyon sa pagkain.
"It's nothing to be proud of, Seya.. There's nothing to talk about either,"
"Tss.. hindi ko rin masisisi si Ali." matabang na wika ni Cal. "His heedfulness is valid,"
Tinapunan ko siya ng tingin. "You can't be serious. Ang tagal na non. At isa pa, wala nang nararamdaman sakin si Elcid,"
"Dyan ka nagkakamali." exaggerated na sabi nya habang abala sa nasa lamesa.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kidding," bawi niya. "Pero... malay mo?"
Inirapan ko siya. "I know him better. He doesn't like me anymore. I already made my self clear to him too. Magkaibigan na lang talaga kami,"
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomantikSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...