Lasing
Umayos ako ng tayo. Nilingon pa ko ni Cal bago sumenyas na susundan niya ito. He threw me a meaningful look before jogging towards the locker rooms.
"Rae, may iche-check lang ako.. Ikaw muna ang bahala rito,"
"Sige lang, Ate. Parating din naman daw si Ate Adea."
Tinapik ko rin muna sina Aki. I briefly congratulated all of them bago magpaalam.
Halos half-run na ang ginawa ko nang pumihit patungo sa locker areas. Nang makarating sa hallway ay natanaw kong bukas ang pinto ng locker room na na-assign samin.
Ilang metro mula sa pinto ay rinig ko na ang boses ni Cal mula sa loob.
"Kumpleto ka naman ata sa bakuna pero bakit nauulol ka tuwing nagseselos.."
Marahan akong huminto sa tapat ng bukas na silid, maingat upang hindi makalikha ng anumang ingay. Gayunpaman ay agad pa ring naramdaman ni Cal ang presensya ko.
Ali was standing in front of his locker. Hindi pa ko nakikita sapagkat nakaharang sa direksyon ko ang nakabukas na pinto ng locker niya.
Cal tapped me on my shoulder while giving me a sympathizing look.
"This is the peakest peak of that damn beast, Einj. Magaling ka namang magpaamo. Alam mo na gagawin dyan,"
Nakuha niya pa talagang bulungan ako bago lumabas. He even closed the door for us. Narinig ko pa ang pag-lock ng gago.
Napalunok ako nang kaming dalawa na lang ni Ali ang maiwan doon.
Halos mapatalon ako nang ibagsak niya pasara ang pinto ng locker. Ang lakas. Parang may halong galit sa mundo.
Nanigas ako nang magtama ang mata namin. Wala man lang nagbago sa ekspresyon niya. Ni gulat sa presensya ko ay hindi ko siya nakitaan. Tamad lang itong nag-iwas ng tingin at umupo sa bench na naroon. Disregarding my presence like a passing air.
Naglakas loob akong umupo sa tabi niya. Nanlaki ang mata ko nang maghubad ito ng jersey. Napaiwas ako ng tingin habang nagpapalit siya ng t-shirt.
"Tss.. pag ito ayaw mo tignan. Pag sa iba, ikaw pa mismo nag-aangat ng damit."
Napanganga ako. Nahuli ko pa ang pag-irap niya nang ibalik ko sa kanya ang tingin, ngayo'y nakabihis na.
"Ali.."
Yumuko siya para kalasin ang pagkakasintas ng sapatos.
"Bumalik ka na ron. Kawawa naman baka kailangan pa ng yakap. Baka kulang pa,"
Nagparte ang labi ko.
Panay ang mahinang kumento niya sa gilid.
"Ako yung pagod tapos iba yung binigyan ng pahinga.."
Bumubulong-bulong pa ito habang tinatanggal ang pagkakatali ng sintas.
"Minsan na nga lang magkagusto dun pa sa maraming may gusto, tangina."
Suminghap ako.
"Stop cursing."
Umikot lang ang mata niya. He continued making snide remarks.
"Kamalasan. Sa selfish kong 'to, sa selfless pa ko napunta. Lahat nilalambing amputa,"
Nagsalubong ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...