25th

19.5K 1K 287
                                    

Stay



Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang may nakabara sa lalamunan at hirap lumunok. Nakapikit ngunit may munting paninikip ng dibdib. Hindi alam kung para saan.


Natigilan ako nang makaramdam ng paglundo sa kama. Saka ko lang din napansing tahimik ang paligid bago may narinig na pamilyar na tugtog.


"It's like you're always stuck in second gear, When it hasn't been your day, your week, your month, or even your year."


It was Friends' intro.


My favorite show. Iyon na ang naka-play ngayon sa malaking TV screen. Nagtataka pa ako habang bumabangon.


"No phones. No games. No plants. No distractions." I heard Cal saying. "Just us and Friends."


Pumwesto na nang maayos ang lahat. I was in the middle. Sinandal ni Davion ang ulo sa balikat ko. Sa kaliwang dulo ay si Aki na nakapatong ang ulo sa binti ni Rae. Nakasandal naman si Adea kay Aysen na katabi ko sa kanan.


Si Cal ay nasa may paanan ng kama, patagilid na nakahiga kaharap ng screen. Naka-triangle ang braso at nakatukod ang siko sa kama habang sapo ng palad ang ulo. Nasa lapag naman si Elcid na nakatiklop ang isang binti at nakasandal ang likod sa dulo ng kama.


The warmth radiating from my friends resonated through my being. Tila musika sa pandinig ko ang mga munting halakhak nila sa pinapanood. Gusto kong maiyak. Thank God I have my friends. 


That afternoon was surreal. Inabot kami ng dilim kina Adea at doon na rin kami naghapunan.


Ni hindi ko na namalayan ang oras habang kasama sila. Ang alam ko lang ay halos maubos ang energy ko buong araw. Kaya pag-uwi ay bagsak agad ako. Which I prefer, rather than having deep thoughts late at night.


Holiday ang sumunod na araw kaya't kahit lunes ay kampante akong magtagal sa kama. It was a lazy day for me. Panay lang tambay ko sa patio at pagduduyan sa garden habang nagce-cellphone.


"Einj, give this to our neighbor." I heard my mom saying, an hour after lunch.


Nanatilig ang tingin ko sa phone. "Hmm? Which neighbor?"


"The new one,"


Unti-unting bumagal ang ugoy ng duyan ko.


"Si Yaya na lang, 'Mmy."


"Kakalabas lang. Pinaghatid ko rin kina Rae,"


"Manang Lina then,"


"Inutusan ko rin kina Davion."


"How about Mana—"


"Einav." she cut me off. "Stop it and just give them this. Watch your manners. I didn't raise you to become unneighborly."


Wala akong nagawa. Bagsak ang balikat ko habang tinititigan ang nakatalikod na pigura ni Mommy na pabalik na ngayon sa loob ng bahay. Bumaba ang tingin ko sa hawak at napabuntong-hininga.


I just found myself standing right in front of the Severo's gate. Waiting for it to open after I pressed the door bell.


Nahigit ko ang hininga nang bumukas ito. Bumungad sakin ang pamilyar na matipunong pigura. Even with the disheveled hair and the just-got-up-from-bed aura he emits, he still strikes. As fuck.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon