Relief
Hindi na ako nakaimik hanggang pag-uwi. Nag-aya pa sanang mag-xbox si Cal pero wala akong gana. More than the physical exhaustion for such a hectic day, I feel like I'm more spent mentally.
Hindi na rin ako nag-abalang pumunta kina Ali taliwas sa sinabi ko sa kanya sa text. Tama si Elcid. Maybe I've been invading Ali's life too much. Kaya siguro ganon ang tungo at mga sagot niya sakin. Marahil ay napupuno na siya. I should know my place.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sa patio si Mommy kasama si Tita Henrietta, Cal's mom. They were having a tea.
"Kumusta na ang future daughter-in-law ko?" hirit pa ni Tita.
Nginisihan ko lang ito at sinakyan ang biro tulad ng madalas. Kung sa ibang pagkakataon ay marahil nanatili pa ko upang makihalubilo. Ngunit dahil ramdam ko ang tamlay ngayon ay nagpaalam na kong magpapahinga.
Tuwing iniisip kong labag sa loob ni Ali ang lahat ng pinagsamahan namin noong bakasyon ay parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Ngayon lang nagsisink -in sakin ang lahat. Masyado kong pinilit ang sarili ko sa kanya. Nakakahiya. I don't think I can face him the same way again anymore.
Milli:
Hi, Ate Einj! Busy ka?Napahinto ako sa pagtutuyo ng buhok nang matanggap ang mensaheng iyon.
Alas-otso pa lang ng gabi ngunit naghahanda na ko para matulog. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko. I'm not in the mood for anything. I didn't even have dinner.
I sighed before typing a reply. May ideya na kung saan patungo ang pamilyar na usapan.
Sa sunod na umaga ay maaga akong nagising. Marahil dahil mabilis din akong nakatulog kagabi.
"Gagamitin niyo po ulit ang sasakyan niyo ngayon, Ma'am?" tanong sakin ng guard nang makita ako sa garahe.
"Opo, kuya."
Maging sila ay tila hindi na sanay dahil bihira ko na lang iyong ilabas nitong mga nakaraan.
Binuksan nila ang gate at pinaandar ko na ang kotse palabas. Natigilan pa ko nang makita ang sasakyan ni Ali na nakaparada pa sa labas ng bahay nila. Hindi pa rin nakakaalis.
Habang papalayo na ako ay hindi ko mapigilang dumungaw sa relo, wondering why he's still there. He's usually very punctual.
My morning classes were dreadful. Kung hindi ko lang kaklase sa isa roon si Seya ay baka nakatulog na ako.
"Gwapo sana kaso first chat ba naman sakin 'Hi pwede mag hello— hey, Einj nakikinig ka pa ba?"
"H-huh?" napaayos ako ng upo. "Ah oo,"
"Weh? Sige nga, anong kinukwento ko?"
"Uhm.. yung sinabihan mo na patuli-tuli pa, di naman nagagamit?"
"Ugh. First guy pa 'yan, Einj. Nasa fifth na 'ko."
"Sorry.. anong oras na ba?"
"Break na."
"Huh?" gumala ang tingin ko sa silid at napagtantong wala na nga ang prof. Kalat-kalat na rin ang karamihan sa mga kaklase namin.
"Oh— san ka pupunta?" agap ni Seya nang nagmamadali kong iligpit ang gamit.
"Kukunin ko na yung mga jersey ng team. For pick-up na yun ngayon eh,"
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...