16th

19.8K 915 297
                                    

Ang Lutong



Milli:

Hi Ate


Nawala ako sa pagkakatulala nang makita ang preview ng nagpop-up na mensahe sa phone ko. Inayos ko ang pagkakasandal ng likod sa headboard ng kama ko.


Einj:

Hey, Milli! What's up?


Milli:

Okay naman po :) Kinikilig tuwing katext si Ali hehe


Einj:

Good to know you're happy ;)


Milli:

Thank you, Ate Einj! Kaya lang I don't know how to open up to him about going out again. It's been days since I last saw him :(


Milli:

I was hoping you could help me out once more, Ate :( I badly wanna spend time with him again.


Tumagal ang tingin ko sa screen bago muling nakapagtipa ng reply.


Einj:

Yes, sure. I'll see what I can do


Ilang araw na rin ang lumipas simula nang gawin kong parte ng daily routine ang pagpunta sa bahay nila Ali. Walang lumilipas na maghapon na hindi ko sya binubulabog sa tahimik nilang tahanan. Well, I just don't want him to turn deaf from too much silence, that's why. Dapat nga ay magpasalamat pa sya sakin.


Kung ang pag-uusapan naman ay ang development ng pagiging malapit namin sa isa't isa... ang sagot ay wala.


Zero progress. Walang usad. Ganun pa rin.


Ewan ko ba. Parang ipinanganak ata si Ali para maging robot. Wala man lang bahid ng affection sa katawan.


Kahit anong daldal ko sa kaniya palagi ay hindi naman sya nagpapakita ng extreme emotions. Nag-uusap naman kami minsan— kapag trip nya magsalita, pero ang static lang.


Minsan habang kausap sya, feeling ko sa wakas ayun na 'yon. Close na kami.


Pero after ng paguusap, back to zero lang. La lang. Usap lang. Yun lang sa kanya yun. Trip nya lang sabihin yung nasa isip nya kaya nya ko kinausap. Pero di pa rin daw kami friends. Unbelievable!


"Aki, bakit... ang suplado mo?" naka pangalumbabang tanong ko sa kapatid isang araw.


"Curious lang. Baka kasi matulad ka sa kakilala ko.. I'm concern. You should be friendly. Especially at your age,"


Si Alister kasi, tila sinumpa na sa sarili nyang hindi siya makikipag-kaibigan dahil hindi niya kailangan non.


Well, kung ako naman ang tatanungin, masasabi kong napalapit na ko sa kanya. Somehow, I was able to find comfort in his indifference.


I've been too exposed around socially active people that I failed to see the beauty in calmness.


When I'm with Ali, I'm not required to stay lively all the time. Wala akong kailangang tapatan na high energy. I don't have to try so hard and push myself in returning other people's vivacity.


Kapag kasama ko siya, hindi ko tungkuling pilitin ang sarili na maging masigla sa lahat ng oras.


I'm free to be me. I can be quiet when I'm tired. Pout my mouth when I'm feeling sad. Show no spirit when I'm not in the mood.


No pretentions. I'm free to feel any kind of emotion. Act according to how I feel. Without any ounce of inhibitions.


Kaya oo. Para sakin, hindi na siya iba. Malapit na kaibigan na rin ang turing ko sa kanya.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon