3rd

27.4K 1.1K 563
                                    

Name



"Basketball?"


I placed my phone on speaker as I dry my face with a towel.


"Yup, Dea. That's what Aysen came up with. Apparently, our City has an annual basketball league and the prize money for the winning teams are surprisingly big."


"Gaano kalaki? Kung liga lang ay hindi ako sigurado kung magiging sapat 'yon para sa tuition fee ni Elcid sa isang buong taon,"


Tuyo na ang mukha ko kaya't dinampot ko na ang phone at inoff ang loud speakers. Nilapit ko iyon sa tainga habang papalabas ng bathroom.


"I know, yun din ang concern ko nung una. But as it turns out, the local government unit greatly supports the sports division. They fund it generously kaya't malaki ang premyo,"


I think Adea is somehow aware of how our LGU prioritizes sports given that she's a long-time player.


"Ang sabi ni Aysen, mataas ang chance na makalikom tayo ng malaking halaga lalo pa't may ilang games munang pagdadaanan bago ang mismong finals. Sa bawat round ay may consolation kaya't walang talo!"


"Well.. okay, let's say the amount of money is preferable.. Pero kailan ba magsisimula ang liga? Malapit na ang pasukan. Aabot pa ba yung premyo sa darating na enrollment?"


"Actually.. we also thought about the same thing... Sa ngayon, ang target ay mailaan ang kikitain para sa second semester— that being the earliest possible choice." I sat on my bed. "That's the plan. Atleast, imbes na isang taon o higit pa ay isang sem lang ang maaapektuhan sa pag-aaral ni Elcid,"


Natagalan pa bago tuluyang makumbinsi roon si Adea. She always thinks critically. Matapos niyang timbangin ang mga bagay nang ilang sandali ay bumuntong-hininga siya.


"You think the guys would agree though? They're not into playing basketball,"


"Si Cal at Davion lang naman ang hindi mahilig. Si Elcid, I saw him play before. He's good!" wika ko.


"Well, goodluck on that. Duda akong papayag yung dalawa,"


"You think so?"


"Yeah," she breathed out. "They won't do something they're not good at." I can imagine her rolling her eyes. "Palibhasa mga pasikat,"


Nagpatuloy siya. "Cal would rather dance than do anything else. At isa pa, baka maging abala na rin iyon dahil babalik na sa training niya sa agency,"


Cal got scouted a year ago but I don't think his training starts again real soon. He hasn't mentioned about that.


"And Davion?" singhap niya. "Don't even get me started—"


Sa kabila ng mga alinlangan ni Adea ay sinubukan ko pa ring kausapin ang dalawa tungkol dito.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon