42nd

19.7K 823 241
                                    

Titig



"Anong oras tayo dadalaw sa puntod ni Tita this Sunday?" tanong ni Adea mula sa kabilang linya ng telepono.


Nilapag ko na lang ang phone sa kama dahil abala ko sa pagbibihis. I just then turned on the loudspeaker.


"Cid said 10AM." natigilan ako. "Wait— you're coming? Papayagan ka bang umuwi? How about your SEA Games?"


Nasa Indonesia kasi siya ngayon para sa Southeast Asian Games. Ang alam ko'y mahigit dalawang linggo sila roon.


Adea's volleyball career instantly flourished right after college. She's a highly sought-after player. Nasa University pa lang kasi kami ay matunog na ang pangalan niya sa labas.


Davion always mock her by saying that she's only popular because of her looks. Pero alam naman naming lahat na mahusay talaga si Adea. Sobra. Bonus na lang na maganda siya. Kaya hindi na nakakagulat na agad siyang pinag-agawan ng mga sikat na kompanya para mapasama sa volleyball team nila.


"Hindi pa sigurado. But I'm planning to," she said. "Mga apat na oras lang naman ang byahe."


Halos ginagawa na lang atang jeep ni Adea ang eroplano. Nasanay na siyang magpabalik-balik tuwing may importanteng ganap kami at nagkakataong nasa ibang bansa siya. Parang wala na lang tuloy sa kanya iyon.


Binigay ko sa kanya ang ilang detalye tungkol sa okasyon sa darating na Linggo kung sakaling matutuloy siya. Elcid already mentioned the plan to me so it was easy.


Paglabas ko sa silid ay naabutan ko pa ang mga gamepad sa couch. Tinabi ko iyon at niligpit sa divider. My friends are here again last night. Medyo nakakalungkot lang dahil minsan na nga lang kami magsama-sama tapos ay kulang-kulang pa. Especially now that we all have our own place. Simula nang umalis kami sa Calle Nueva ay marami nang nangyari.


"Okay na clips and recordings for Episode 1," rinig kong usapan ng prod pagdating ko sa site. "More on shots ng area and voice over lang naman kasi."


"Anong agenda for today?" salubong ko pagkalapag ng gamit.


"Data gathering for Episode 2. Focus na to sa notable features ng museum. What sets it apart from the rest," Kenna said.


"Aralin mo na yung new set of facts na binigay, Einj." ani ni Maricon. "Gaya kahapon, raise mo na lang agad sa professionals here if may concern ka."


"Fixed naman na yung intro, pwede nating i-film mamaya kung kaya pa ng time." dagdag ni JJ.


Nagpadala na rin ng stylists ngayon ang istasyon ngayon dahil may appearance na ako sa shoot. Yun nga lang ay mamayang hapon pa iyon naka-schedule. For the rest of the morning, I am tasked to familiarize myself with the papers.


Pinapaliwanag sakin ni Maricon ang tungkol sa ilang impormasyon nang mahagip ng tingin ko si Ali.


With his white helmet, he stands out the most in here. Tulad ng karaniwan ay abala pa rin sya sa trabaho. Hindi ko alam kung bakit tila nakakalma ang titigan at panoorin sya tuwing nakatuon sa ginagawa.


Mailap ang naging interaksyon namin sa unang araw ng pagtatayo ng museyo kahapon. Matapos niyang umalis sa lamesa namin kasama ang mga mangagawa ay hindi ko na siya masyadong nakasalamuha pa.


"Ms. Leyva, you can continue reading that in the makeshift office right there." suhestyon sakin ng coordinator. "You can bring your time with you. It's hot in here,"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon