35th

19.1K 1.1K 385
                                    

Hiling



"Einj honey, are you okay?"


Umangat ang tingin ko mula sa pagkakatulala sa hapag nang kausapin ako ni Mommy.


"May problema ba?" her brows furrowed in concern.


Kusang napahinga nang malalim ang baga ko.


"W-wala po. May iniisip lang.." humigpit ang kapit ko sa kubyertos.


Ramdam ko ang bumibigat na tingin sakin ng katabing si Aki mula sa gilid.


"Kanina ka pa tahimik.. Hindi mo rin ginagalaw ang pagkain mo,"


Mula nang makauwi sa bahay, pakiramdam ko'y hindi na ko muling nabalik sa ulirat. My soul is floating. My mind is somewhere else. Masyadong mabigat ang araw na 'to para sakin. Everything's just too much for me to handle.


Sinubukan kong kumain upang maibsan ang pagaalala nila Mommy. Pinilit ko ring kumilos nang normal sa harap nila. Lumuwag ang dibdib ko nang matapos na ang hapunan. Dumiretso ako sa taas upang magtungo sa kwarto.


Pauli-ulit pa rin ang bosses ng ate ni Ali sa utak ko. Parang sirang plaka na tumutunog sa isipan. Kahit ganoon ay tila hindi ko pa rin tuluyang maproseso nang maayos. Hindi ako makapag-isip nang tuwid.


Tulad ng ipinangako ni Ali ay tumawag nga siya noong gabi. Nakahiga ako habang nasa tainga ang phone. Taimtim na nakikinig sa kanya. Nagmamasid ng kakaiba sa boses niya ngunit wala.


He was concealing it pretty well. Kung iyon man ang plano niya. I was keenly and intently listening but there was no sign of oddity in him. Normal lang ang tono niya.


May kumukurot sa loob ng dibdib ko.


"You seem tired.." kumento niya nang hindi ako masyadong magsalita. "We can end the call now so you can rest and sleep.."


Sa banayad niyang boses ay lumalala lang ang bara sa lalamunan ko.


Kinagat ko ang pang-ibabang labi.


"Wala ka bang sasabihin sakin?" mahinang tanong ko.


"Hmm?" he hummed. "Ah... right, I do."


My pulse thudded.


"Can you.." namaos ang boses niya "..read something for me tonight?" his voice now rather sounded tired. "Please?"


The underlying anguish in his tone made my heart ache. May pagsusumamo roon.


Hindi ako nakatulog nang maayos. Ni hindi nga ako sigurado kung nakaidlip man lang ba ko. I just know I was closing my eyes the whole time. Matayog ang lipad ng isip. Not sure if I really did sleep a wink. My body was resting but my mind wasn't.


Hindi ako madalas gumamit ng concealer o anumang base pero palagay ko'y kailangan ko iyon ngayon. Naglagay ako nang kaunti sa ilalim ng mata ko. Make-up really is something else. It made me look like I just had the most fortifying sleep in my life when clearly, I didn't.


"Iwan mo uli sasakyan mo, Ma'am?"


"Opo, makikisabay ulit.."


"Ah, sige. Ingat!"


Naabutan kong nakaparada na sa labas ang kotse ni Ali tulad ng madalas.


I sighed before making my way towards the car door beside the passenger's seat.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon