27th

20K 1.2K 700
                                    

Surprise



Hindi na ko mapakali buong magdamag matapos ang nakita. Ali's crazy! How can he do something like that offhandedly? He just did it as if it was nothing!


"Delete it! Baka kung anong isipin ng iba!" sabi ko nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko.


Kanina pa ko pabalik-balik ng lakad sa loob ng kwarto. Balisa at hindi mapirmi sa isang tabi.


"Tss.. you always worry about other people. Kahit hindi naman dapat,"


He was relentless. No matter how much I try to convince him. He said I was just anxious for nothing. Masyado lang daw akong bothered sa perception ng iba. Wala naman umanong kailangang ikabahala.


Sa kabila ng sinabi niya ay binabagabag pa rin ako ng tungkol doon hanggang sa pagpasok sa eskwelahan kinabukasan.


"Huh? What's the big deal? Kasama ka rin naman ni Aki sa profile pic niya," ani ni Seya.


"That's different. Kapatid ko si Aki,"


"Yeah, but how about Cal and Davion? They also used to have a DP with you in it,"


Binuka ko ang bibig upang kumontra ngunit walang lumabas na salita. Bumagsak ang balikat ko.


"Dati lang 'yun.." the words came out from my mouth in almost a whisper. "Saka.. mga bata pa ata kami ron.."


Her brows just arched.


Natutop ko ang labi nang wala nang ibang maisip na idagdag. Maybe they're right. It's not a big deal. There's nothing to worry about. Baka nga nag-ooverthink lang ako.


"You really are something else, Einj. The Ali guy seems aloof but you were still able to grow close with him." iyon naman ang opinyon ni Adea roon.


Hindi niya madalas makasalamuha si Ali dahil abala rin siya sa volleyball kaya siguro iyon ang tanging pagkakakilala niya rito. I can't blame her. Totoo rin naman kasing mailap si Ali nung simula. Hanggang ngayon naman. Yun nga lang ay iba siya kapag kampante sa kasama.


"How is he, by the way? You think he'll jive with us? Sama mo sa birthday ni Davion.. Let him join us in the party,"


Mukha namang wala lang sa kanila ang tungkol sa litrato. Now I've come to realize that it's really nothing much. I was bothered for something irrelevant. In fact, all seems good. Wala naman silang kakaibang reaksyon doon. They are all pretty casual about it.


Si Cal lang naman ang napapanguso habang normal ang ekspresyon ng iba. Tila pinipigilan ang pagguhit ng kurba sa labi na ewan!


Among all the possible reactions, I was most concern about Milli's.


Kaya naman nang makita sya sa basketball training kinahapunan ay hindi ko maiwasang dalawin uli ng kaba. Tulad ng mga nakaraan ay nanood uli siya kasama ang ilang kaibigan.


"He rarely uses Facebook, Ate. Kaya nagulat ako nung makita iyon kagabi. Super close nyo na talaga! I wish I could atleast be half as close as you are to him." 'yun lang ang sinabi niya tungkol doon.


I feel uneasy talking to her. Mabuti na lang ay naiba naman ang paksa ng usapan namin habang naka-tabi siya sakin sa bleachers.


Ang mga sumunod na araw ay mabilis na lumipas. Nanalo ulit ang team sa second match nila! Cal teased me dahil naluha pa ko after ng winning point. Dikit kasi ang score dahil magaling din talaga ang natapat na kalaban sa kanila. Puntos lang ang lamang kaya't napatalon talaga ko nang manalo sila. It was a buzzer beater!


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon