Distansya
"Duty mo rin ngayon, Einj?" tanong ni Jaz pagkapasok niya sa studio at maabutan ako.
"Nope. Magsa-submit lang ng narrative,"
Tapos na ang last class ko at dumaan lang ako sa broadcast room upang magpasa ng weekly log. Tinatapos ko na lang ang pagpirma bago umalis para sa basketball training.
Inabot ko ang logbook sa lamesa at nirecord doon and submission ko.
Muli akong nakarinig ng pagbukas ng pinto kaya't umangat ang ulo ko.
I saw Elle entering from the other end of the studio and she's with... someone. Someone I know na fourth year din like her.
"I told you, Theo. Hindi mo naman ako kailangang ihatid dito.."
"Nah.. May sadya rin naman ako rito. I was hoping to see.. someone.." aniya saka lumibot ang mata.
Napakurap ako at akmang i-iiwas na ang tingin mula sa direksyon nila nang saktong magtama ang mata namin ni Theo.
His face lit up in an instant
"Einj," aniya habang papalapit na sa akin.
Nakita kong nakasunod sa kaniya ang tingin ng naiwang si Elle. Nabitin pa ang pagbubukas nito ng hawak na fit n' right juice. Lumipat sakin ang mata niya, bahagyang naka-arko ang kilay.
"Hey.." Theo pulled the chair next to me. "Hindi ka nagrereply sa mga messages ko,"
Tumikhim ako.
"Deadbatt na ang phone ko," nilabas ko pa iyon sa bulsa upang ipakita sa kanya.
Bumagsak din naman doon ang mata niya at nakumpirma.
"I'm sorry," habol ko.
Umangat sakin ang tingin niya. Ngayon ay may kumukurba nang ngiti. He simply shook his head.
"It's fine... Tinatanong ko lang naman through text kung may lakad ka ba after class." aniya. "Are you you free?"
I bit my lip.
"No... May basketball training kasi ang boys ngayon,"
"Oh.. Is this about the league which Calcifer was talking about?"
Tumango ako.
He smiled. "I heard you are the manager,"
Damn, bakit ba kasi ang wide ng reach ni Cal? Pati sa fourth year ay umaabot ang kadaldalan niya.
"Wala naman na kasi silang ibang choice," I could only smile cheekily.
Napangiti rin siya. His eyes even smiled too. He lightly ruffled my hair.
Nag-alok pa siyang ihatid ako ngunit hindi ko rin napagbigyan dahil dala ko naman ang sasakyan. Kalaunan ay kinailangan ko na ring magpaalam.
Pagtungo ko sa pinto upang lumabas ay naabutan kong bahagya pa ring nakaharang doon ang pigura ni Elle. She shot me a look.
"I rarely see you man the studio.."
"Uh.. I'm kinda busy these days.." lunok ko. "But I still make sure I'm here during my scheduled duties,"
Tumaas pa ang kilay niya bago gumilid upang makadaan ako. Saka lang ako nakahinga nang maluwag noong nakalabas na mula roon.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...