24th

19K 842 357
                                    

Pikit



Ali's dejected eyes haunted me til evening.


Hindi mawala sa isip ko ang imahe ng ekspresyon niya bago ko sya talikuran kanina.


"I've been meaning to see him again. Sisiguraduhin kong makakapunta 'ko sa game next week, Ate!"


Kausap kong muli sa telepono si Milli noong gabi ring iyon. My mind is somewhere else though. Hindi ko tuloy maproseso ang sinasabi niya.


Isa lang kasi ang tumatakbo sa isip ko ngayon.


"Milli.."


"Hmm?"


"May gagawin ka ba bukas?"


"Uhm.. bakit po?" tikhim niya. "Naku, lalabas kasi kami nila Mommy bukas eh. We'll attend the mass and go somewhere else afterwards."


Napabuntong-hininga ako.


"Ganun ba? Sayang naman.. Wala kasing kasama si Ali sa—"


"H-huh? Si Ali? Ayy— pwede pala 'ko bukas, Ate! I mean— nalito lang ako kanina, next week pa pala yung lakad namin nila Mommy! Pwedeng-pwede ako tomorrow!"


Napakurap-kurap ako.


"Really? Are you sure?"


"Yes! I got confused so.." she cleared her throat. "Pero available ako buong araw bukas."


Marahan akong tumango.


"That's nice to hear then.. Kung ganon, pwede mo bang samahang mag-grocery si Ali? He has to get some supplies to stock up a bit and also... an air purifier," I bit my lip.


"Sure!" she gasped. "What time do we meet though? Susunduin niya ba ko o doon na lang kami magkikita? Wait—" natigilan ang walang patid niyang mga tanong. "He's... fine with me going with him, right?" nag-aalalang tanong niya.


Hindi ako agad na nakasagot ngunit kalaunan ay siniguro ko sa kanyang walang problema iyon. I assured her that it's fine.


Ngunit maging ako man ay hindi rin kampante. Hanggang sa pagtulog ay balisa ako dahil baka kung anong maging reaksyon ni Ali bukas pag nagkita sila ni Milli.


I released an exasperated breath nang hindi pa rin mapakali matapos ang ilang pag-paling sa kama. I ended up reaching for my phone and composing a text for Ali.


Einj:

I'm sorry, hindi kita masasamahan bukas. Milli's joining you instead. Be good to her.


Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi nang maipadala iyon. Tinutukan ko ang screen sa pag-aabang ng reply hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay.


Pagdilat ko kinaumagahan ay iyon agad ang una kong naalala. Kinapa ko ang telepo sa kama para tignan kung sumagot ito ngunit wala.


Ang naabutan kong mensahe sa phone ay ang ipinadala ni Adea sa groupchat. Nag-aaya itong mag-movie marathon sa bahay nila. She's in Calle Nueva right now. Napabuntong-hininga ako bago bumangon.


"Ya, si Aki po?" tanong ko habang pababa ng hagdan.


Naligo na ko at base sa oras ay mukhang brunch na ang kakainin ko.


"Na kina Adea na. Ang Mommy at Daddy mo ay nakaalis na rin parehas,"


Tumango ako at inaya itong kumain. Masyado na nga ata kong ginabi ng tulog kaya't tinanghali na rin ng gising ngayon. The maids usually try to knock on my door to wake me up so I can join my parents for lunch during Sundays but I guess I was dead asleep earlier.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon