Lagi
The way his head was tilted to dominate the kiss was too much for me to handle.
It's weird. Kapag ang tao kumakain, yung tao ang nasasarapan. Hindi naman yung pagkain.
Right now, I feel like I was being eaten up. Yet the pleasure was on me too. Ako yung kinakain pero ako yung nasasarapan.
But with how Ali is reciprocating every kiss, I feel like he was savouring it just as much. Pareho kami. Naisip ko tuloy, siguro kung may pakiramdam lang ang pagkain ay nasasarapan din ito habang kinakain. I was just too preoccupied in kissing Ali to further ponder on that thought.
Ang bawat halik namin ay lumilikha ng mga munting tunog na nagpapatayo ng balahibo ko sa batok. Those tiny little sounds are evoking something deep within me.
Nang bumaba sa panga ko ang labi niya ay napapikit ako habang naghahabol ng hininga.
"Don't you think we... should take things slow?" hinihingal na wika ko.
Tumango siya. Bumalik paakyat sa labi ko ang kanya. Indeed, he went slower this time. Bumagal ang mga halik niya.
"No, not the pace. I meant this. Kakabati lang natin.."
Nang muling gumapang pababa sa leeg ko ang ngayo'y mabagal na galaw na ng labi niya ay nagkaroon uli ako ng pagkakataong magsalita.
"Yet.. we're already kissing.. Isn't it too fast?" I felt a tingling suck in my neck making my eyes shut close in goodness.
"Huh? Halik pa nga lang ito, Einj.. Mabagal pa nga.." paos na halakhak niya sa gitna ng ginagawa. "Kung mabilis ako edi sana.. iba na ang ginagawa natin ngayon,"
Tinulak ko siya ngunit natawa lang siya.
"Lasing ka pa nga! Ewan ko sayo,"
Kahit napapanguso lang ako sa sagot niya ay seryoso ako sa sinabi ko. Iyon ang paalala ko sa kanya kinabukasan bago kami pumasok sa trabaho.
"Let's not rush things.. I don't want to mess things up this time.." malumanay na wika ko noong nasa kotse na kami. "Nakakagulat naman kung bigla na lang tayong magiging malapit sa isa't isa habang nasa site gayong halos hindi nga tayo nagpapansinan dati,"
"Sus, ikaw lang naman ang hindi namamansin. Todo papansin pa nga 'ko," aniya habang nagmamaniobra.
Napanganga ko. May hangover pa ata ang isang tao. Siniguro ko na lang na nakuha niya ang ibig kong sabihin hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa destinasyon.
"Remember what I said, okay? Let's take our time. We'll let them know eventually. Sa ngayon, unti-untiin muna natin.."
Hindi kami sabay na bumaba ng sasakyan. Nauna na ako at nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago sumunod.
I can't believe I'm really having a normal day at work right now as if I didn't bawl my eyes out the other day. Na para bang hindi ko binalak mag-bitiw sa tungkulin noong isang araw. Gayong halos kahapon lang ay pinaplano ko na ang resignation.
It was as if nothing even happened. Nabura na sa isip ko ang pasya kamakailan. The situation was turned completely into a hundred and eighty degrees. Nag-iba ang ihip ng hangin.
"So tell us about the most notable detail about this structure that sets it apart from the past projects you've worked on.." halos mapasigaw ako ng hallelujah nang hindi mautal habang kaharap si Ali.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...