Naunawaan
"You know the guy?"
Inangat ko ang tingin kay Elcid nang magtanong sya habang abalang nagmamaneho. He just threw me a glance before returning his eyes on the road. Pabalik na kami ngayon sa court kung nasan ang mga kaibigan.
Umiling ako. "Hindi eh.. Ikaw, kilala mo ba?"
Natagalan siya bago makasagot, marahil ay nag-iisip.
"The name sounds familiar," he simply said.
I nodded. "Maybe someone from school then.." kibit-balikat ko. "But whoever it is, we should really really thank him dahil pumayag siya kahit last minute! He practically saved us,"
Hindi madaling pumayag lalo pa't walang kapalit ang pagsali nya. All the earnings from the games would be given to Elcid. So it really takes an odd soul to join and agree! Pag nakita ko siya ay yayakapin ko talaga siya sa sobrang pasasalamat!
Tinignan ko ang oras at napagdesisyonang bumili ng refreshments para sa practice nila.
"Savemore na lang," turo ko dahil yun na lang ang madadaanan naming store.
Nasa sentro ito ng bayan kaya't hindi na ko nagulat nang makakita ng ilang kakilala sa loob ng supermarket. I saw one orgmate from my broadcast club and another one from drama guild. Mayroon din kaming nakasalubong na batchmates ko. Ni hindi ko na nabilang kung ilan ang nabeso ko roon.
Tuwing napapatagal ang pakikipag-usap ko sa nakakasalubong, my gaze always finds its way to Elcid just so I could check on him. Tulad ng madalas ay nasa gilid lang siya, matiyagang naghihintay habang nakapamulsa. No sense of impatience. Just him and his usual dashing face. Calmly waiting for me to finish catching up with my friends.
"Hmm.. should we get gatorade or powerade?"
Sa refrigerated section na kami dumiretso para kumuha ng bibilhin.
"Powerade na lang. It has lesser calories,"
I nodded with a smile. "Alright,"
Naglagay ako ng sapat na bilang noon sa maliit na pushcart na siya ang may hawak. We got them in assorted flavors.
Wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa court. Sa labas pa lang ay rinig na rinig na ang pagtalbog ng bola pati na ang tunog ng nagkikiskisang sapatos at sahig.
Cal was the first one who saw us. Agad siyang napahinto sa pagdi-dribble.
I noticed a familiar figure standing in the middle of the court. Tila nakita ko na ang pigurang iyon ngunit hindi matukoy kung saan at kailan. Pinasa roon ni Cal ang bola saka sya tumuwid ng tayo.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...