🖤 Chapter 24🖤

29 5 0
                                    


Taka's POV

Iniwan ko si kyra para sa kaligtasan nya, ayaw ko man yung gawin ngunit wala na akong magagawa.
Sa ngayon kailangan ko nalang makarating at matulungan sila pinuno.

Sana ayos lang sila..!

Pagkarating ko ay agad akong bumaba ng aking kabayo ng makitang nakahandusay na si Nanami at walang malay

"Nanami! nanami! Gumising ka!"- tapik ko sa pisngi nito pero mukang nawalan na talaga ito ng malay

isang malutong na mura ang pinakawalan ko at inilibot ang mata sa buong paligid.
Sa di kalayuan nakita ko si pinuno na tadtad ng galos at pasa sa buong katawan, nakaluhod ito habang nakayuko.

Agad ko siyang dinaluhan.

"Pinuno!"

Isang matalim na tingin ang nagpatigil sakin mula sa pagdalo sa kanya.
Alam ko na kung para saan ang tinging iyon.

"Anong ginagawa mo dito? Nasan si kyra?"- anito sa malamig na tono.
Hindi ako nakapagsalita at inilihis nalang ang paningin.

"Huwag mong sabihing iniwanan mo siya para balikan kami? Sagutin mo ako!"- ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitiwan niya.
Tila naitulos ako sa aking kinatatayuan dahil doon.
Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso, tama naman ang sinabi nya, iniwan ko si kyra para balikan sila.

"Tsk!"- anito bago pinilit na tumayo.
Tangkang aalalayan ko siya ng tampalin niya ang aking kamay kaya't hindi ko na siya napigilang umalis.

Nanatili akong walang kibong nakatayo doon hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Taka!"- napalingon ako sa tumawag sakin, si Kato.
Lumabas siya sa isa sa mga halaman, at lumapit sakin.

umiiyak ito habang nakakuyom ang kamao.

"Patawad, naging duwag ako. Hindi ko man lang naipagtanggol si Pinuno at si Nanami... Wala akong silbi!"- sisi niya sa sarili at mas lalo pang kumuyom ang kamao.

Naaawa ako sa kanya, bagama't siya ang kanang kamay ni pinuno ay siya naman ang walang kakayahang lumaban sa aming grupo.
Ngunit kahit na ganoon ay may talento naman siya sa paggawa ng aming mga sandata.

Hindi niya lang alam pero, mas may silbi pa siya kesa sa akin.
Ako na walang ginawa kundi ang biguin lang sila.
Ngayon mas kaawa-awa akong tingnan kaysa kay kato. Tsk!

"Huwag mong sabihin yan,
kung tutuusin ay may mas silbi kapa kumpara sa isang gaya ko.
"- ani ko at napabaling sa pwesto ni nanami na nananatili paring walang malay

"Taka...."

"Ang mabuti pa'y dalhin mo si nanami sa bayan at ako na ang bahalang sumunod kina pinuno"- ani ko.
tumango naman ito bago lumapit sa pwesto ni nanami

Humakbang na ako paalis.

"Taka."- tawag ni Kato

bahagya ko siyang nilingon.

"Huwag mong isiping wala kang nagagawa para sa grupo, hindi mo lang alam, mahalaga ka para sa amin" -aniya bago ngumiti

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya, Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam na ganun pala ang tingin nila sa isang katulad ko.
Simula ng maging kaanib ako sa grupo ay puro walang kwentang bagay at pasakit lang sa grupo ang nagagawa ko, puro pambababae, paglalasing at gulo lang ang ginagawa ko. Sinasamantala ko ang kapangyarihang ibinigay sa akin para lamang sa mga walang kwentang bagay.
Ni minsan, hindi ko naisip na may kwenta ako sa kanila na mahalaga ako.

Ngunit ngayon, alam ko na..

Tumango nalang ako bago sinuklian iyon ng bahagyang ngiti.

__

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon