🖤 Chapter 16🖤

31 5 0
                                    

(Fumaih's Picture 👆👆)

Kyra's POV

Habang nagluluto ako ng kakainin namin ni Jeiha ay may naramdaman akong kakaiba...

Ngayon ko lang naramdaman ito, yung pakiramdam na parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman.

Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.
Wala naman akong nakaing panis o di kaya'y wala rin naman akong sakit sa puso.. pero bakit ganto na lamang ang  pakiramdam ko?

Napalingon ako sa may pinto ng dumating si jeiha.
Nakangiti syang pumasok ngunit napalitan iyon ng pag-aalala ng makita ang itsura ko.

"Kyra, Bakit ka umiiyak??"- alalang tanong nya.

U-umiiyak? ako?

Agad kong pinasadahan ang aking pingi at tama nga ang sinabi ni jeiha. Umiiyak nga talaga ako.

Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, at kung bakit sobrang sakit sa may parte ng dibdib ko gayong wala namang kung anong bagay ang nangyari sa akin upang akoy magkaganito.

"Hindi ko alam..."- mahinang sambit ko.

Lumapit sya sa akin bago kinuha ang sandok mula sa kamay ko.

"Ako na, magpahinga kana muna.
Alam kong pagod ka.."- aniya bago ipagpatuloy ang nasimulan kong pagluluto.

Sinunod ko na lamang siya ngunit ilang minuto lang akong namalagi sa aking silid bago napagpasyahang maglalakd muna saglit.

Dumaan ako sa kusina upang ipaalam kay jeiha na lalabas ako saglit ngunit hindi ko siya nakita.
Luto na ang aming tanghalian at patay narin ang apoy.

Hindi ko siya mahanap sa buong bahay kaya't hindi ko na nagawa pang magpaalam, Dumeretso na ako sa labas.

Bukas na ang simula ng aming pagpapatuloy sa paglalakbay at ngayon nalang ang oras ko upang malibot ang buong bayan..
Alam kong mag-aalala sakin si jeiha kaya't bago siya bumalik ay may iniwan naman akong mensahe na alam kong mahuhulaan nya.

~~~~

ilang oras na akong naglilibot sa bayan, marami-rami narin akong napuntahan na magagandang lugar.

Hindi pa naman ganoon kahapon para umuwi ako at gusto ko paring mapuntahan ang isang lugar dito sa bayan ng Shinwo na sinabi sakin ng isang babae kanina..

Aniya, may isang kweba raw sa tuktok ng isang bundok ang may kakayahang tumupad ng kahilingan.
Ang kwebang iyon daw ay pagmamay-ari ng isang halimaw na nagbibigay ng mga bugtong.

Ang sabi, pag nasagot mo daw ng tama ang kanyang bugtong ay bibigyan ka niya ng isang kahilingan.

Ngunit, walang pang sino mang tao ang may kakayahang sagutin ang bugtong nito at ang mga taong ito'y hindi na nakabalik pa.

Ani pa ni Fumaih na nakilala ko,
Malayo ito kung lalakarin ngunit may itinuro siyang madaling daan papunta roon na ngayon ay siya kong tinatahak.

Kahit na binalaan nya akong huwag pumunta roon ay sadyang matigas lang talaga ang ulo ko..
Alam kong manganganib ang buhay ko kaya't pinaghandaan ko na itong mabuti.

Nakita ko sa di kalayuan ang sinasabing kweba.
Maliit lang ito kung titingnan ngunit hindi ko iyon tiyak sa loob.
Maaaring mas malaki pa diyan kung papasok ako.

May isa lang akong kahilingang gusto kong matupad..
At kahit ano pang bugtong ay aking sasagutin matupad lamang ang aking kahilingan.

Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa langit.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon