🖤Chapter 12🖤

33 5 0
                                    

Yui's POV

Kahapon ko pa inutusang sundan ni Yurie sina Kyra ngunit magpa-hanggang ngayon ay hindi pa ito nakababalik.

Ano kayang nangyari??

Hindi ko malalaman ang mga bagay bagay kung hindi ako kikilos, subalit.. pano?

Pano ako makaka-alis sa silid na ito?.

kung sa unang tingin ay hindi mahahalata ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa buong silid, ngunit pag tinangka mong lumabas o pasukin ito ay makukuryente ka.

Tanging mga tagasilbi lang ng hari ang nakakapasok sa loob ng silid ko, marahil ay may binigay sya sa mga itong proteksyon upang hindi sila tablan ng ginawa nyang harang.

Napaisip ako.

Kung tanging mga taga silbi lang ang maaaring pumasok...
bakit nakapasok si Yurie dito ng hindi man lang nakukuryente?.

Nung unang dating ko sa silid na ito ay hindi ko talaga napansin ang harang ngunit nang isang araw ay magatangka akong tumakas ay saka ko nalaman na hindi pala ganun kadali yun.

"Hindi pwedeng manatili ako dito ng habang buhay!"- ani ko bago umupo sa kama at nag-isip ng plano.

......................

Ngayon ko na isasagawa ang naplano ko. Sa oras na pumasok ang itinalagang mag-hahatid sakin ng pagkain ay saka ko aagawin sa kanya kung ano ang bagay na iyon.

Nag hintay ako ng ilang minuto bago narinig na nagbukas ang pinto.
Nakatalikod ako sa kanya

Narinig kong ibinaba na nya sa maliit na lamesa ang pagkain para sa akin

"Lady Yui, kumain napo kayo."- ani nya bago ko marinig ang mga paa nyang papalayo

Ngayon na!

"Ah! a-ang s-sakit!"- nagkunwari akong masakit ang tyan para puntahan nya ako at hindi nga ako nagkamali dahil agad nya akong nilapitan ngunit hindi ganoon kalapit

Nananatili syang nakatayo habang may pag-alala at takot sa kanyang mga mata.

"L-lady Yui, a-ano p-pong nangyari??
May m-msakit po ba??
tatawag po ako ng binahasa sa medisina!"- natataranta na sya at akma uli syang aalis ng higitin ko ang braso nya..

Nagulat sya sa ginawa ko

"Ibigay mo sakin ang susi!"- sigaw ko sa kanya na naging dahilan ng matinding takit nya.

halos mamutla na sya sa takot sa kung ano mang gagawin ko sa kanya.

Pasensya na.. ngunit, kailangan kong gawin ito.

Agad kong hinila ng marahas ang mahaba at itim nyang buhok na dahilan ng pagngiwi nito.

"L-lady Y-yui t-tama na po....
M-masakit.. Ahh!."- daing nya sa higpit ng hawak ko sa buhok nya.

hindi ko naman talaga gusto gawin to pero wala akong pagpipilian.!
kung patuloy syang magmamatigas at hindi ibibigay sa akin ang bagay na iyon o susi man ng silid na ito ay mapipilitan akong maging marahas sa kanya.

hindi ko ipinapakita ang totoong ako..
Kay kyra man o sa iba pa dati sa mundo ko.
dahil ang totoong ako ay masama, may inggit, at kung anong gusto ko ay syang makukuha ko.

"Higit pa dyan ang ipararanas ko sayo kung hindi mo ibibigay sakin ang bagay na iyon!"

Naramdaman ko ang pagbigat ng kanyang katawan at tuluyan na syang bumagsak.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon