🖤 Chapter 21🖤

25 4 0
                                    

Kyra

Kunot noo akong napatingin sa babaeng basta na lamang binagsak sa harapan ko ang platong may lamang pagkain.

Ano bang problema ng isang to?

"Huwag ka ng mapili,wala kaming masasarap na pagkain!"- inis na ani ni nanami bago ako inirapan. Seriously?
What's up with this girl!?

"Tapatin mo nga ako? Ano bang problema mo sakin??"- ani ko ng hindi na ako nakapagtimpi

Marahas nya akong nilingon bago lapitan at hawakan ako sa leeg

Napangiwi ako dahil sa kuko nyang halos dumiin na sa leeg ko.

"Gusto mo bang malaman ang problema ko sayo?!" lalo nya pang idiniin ang kuko nya. Arghh shit!!
"Una palang kitang makita kumulo na ang dugo ko sayo! Ewan ko! pero napatunayan ko yun ng Mapag-isa kayo ni Pinuno kanina!
Alam mo ba ang naramdaman ko?!
Nangati ang kamay ko, Parang gusto ko ng pumasok at sakalin ka hanggang sa hindi kana makahinga!"-Galit na ani nya habang may malaking ngisi sa labi.

Baliw na ang isang to!
Hindi ko alam kung anong magagawa nya sakin sa mga oras na ito, alam ko namang hindi ako ligtas sa kamay nila, lalo na sa baliw na babaeng to na gusto na akong balatan ng buhay!

Bigla namang bumukas ang pinto kaya't napatingin kami doon

Nabitawan agad ako ni Nanami,
Humagilap agad ako ng hangin para makahinga.

"Nanami ano na naman bang ginagawa mo?!"- ani ng bagong dating na si Taka

May dala itong pana at palaso na nakasabit sa kaliwa nyang balikat samantalang sa kanang kamay naman ay may bitbit itong patay na usa.
Siguro ay nangaso ito sa gubat.

Napailing-iling niya akong dinaluhan samantalang ang isa naman ay inis na nilisan ang lugar

Inilapag ni taka sa isang mesang kahoy ang bitbit na usa pati ang pana at palaso bago ako lapitan

"Pasensiya kana uli kay Nanami, may pagkabayolente talaga ang isang iyon."- ani nito bago napatingin sa platong may lamang pagkain na hindi pa nagagalaw.
Kinuha niya iyon at itinapat sa bibig ko ang kutsarang may lamang kanin at gulay.

Tiningnan ko lamang iyon bago ko ibinalik ang paningin sa kanya.
May lason kaya ang pagkain na ibibigay nila sakin?

Posible iyon!

Kung gusto nila akong patayin ay magagawa nila iyon ng hindi nadudungisan ang kanilang kamay,
maliban na lang kay Nanami na gusto akong patayin gamit ang kaniyang kamay.

Napakamot pa ito sa likod ng ulo bago nagbuntong hininga

"Kung iniisip mo na may halo ang pagkain na ito ay nagkakamali ka. Wala itong halong lason o pampatulog, dahil hindi kami ganoong klase ng tao.
Kailangan mong kumain para may lakas ka sa paglalakbay bukas"-aniya bago muling ilapit sa bibig ko ang kutsara.
Hindi na ako nagdalawang isip at isinubo ko na iyon

Napangiti naman ito.

.....................

Toshi

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon