🖤Chapter 14🖤

34 5 0
                                    

Kyra's POV

Nakarating na kami sa bayan ng shinwo, maraming mga tao ang nagkalat sa paligid, maraming nag-iinuman, nagsasaya, at naglalaro.

mukang maunlad rin ang bayang ito kagaya ng sa shojuk.

Mabuti na lamang at nakarating agad kami sa bayan na ito bago abutin ng malalim na gabi.

Sa di kalayuan ay may nakita akong isang babae na may katabaan ang nag-aalok ng mga silid tuluyan para sa mga mandarayo.

Agad kaming lumapit roon,

Kanina ko pa napapansin na maraming mata ang nakatingin sa likod ko.
At alam ko rin sa mga mata ng mga kababaihang nakatingin kay jeiha ay may mga pagnanasa ang mga ito para sa kanya.

Bukod sa magarang berdeng damit na suot nito ay agaw pansin rin ang kanyang itsura.

Pero, kaiba naman ang tingin ng mga lalaki kay jeiha, tingin na parang natatakot...

Sino ba namang hindi matatakot sa bitbit nyang tungkod??
tungkod ata ni kamatayan yan eh!
Hay naku! San kaya nya yun napulot?

"Ahm, pwede po bang magtanong kung magkano nyo pinapaupa ang inyong silid? Nais po sana naming makaupa ng dalawa."-tanong ko na ikinataas ng kilay nya.

"Isang silid para sa magnobyo at magasawa! Hindi pwede ang dalawa dahil maglulugi ako!"- malakas na sagot nya.

Nabingi yata ako..

Ano daw?????

isang silid?!  magnobyo?? magasawa?!

Napatingin naman ako kay jeiha.
Seryoso lang itong nakatingin sa unahan.

"Ahm..nagkakamali po kayo, hindi po kami magnobyo o mag-asawa..
Kasama ko po sya at naghahanap po kami ng silid na maaaring matulugan ngayong gabi."- mahinahong sambit ko.

matalim nya naman akong tiningnan.

"Hindi kayo magnobyo?! hindi rin kayo mag-asawa?! Kung ganoon, Walang silid para sa inyo!!
Umalis na kayo!!!"- malakas na sigaw nya pa.

Bago pa ako makapagsalita ay agad nang nahugot ni jeiha ang kanyang tungkod at itinutok ang matalas na patalim nuon sa leeg ng matabang babae.

Para itong naestatwa at hindi na makapagsalita, pinagpapawisan natin ito.

"Wala kang karapatang sigawan sya! humingi ka ng paumanhin,
lapastangan!"- ani ni jeiha.

Maging ako ay gulat sa kanyang biglaang kilos, ngunit hindi ko maaaring ipagsawalang bahala na lamang ito..

Tinatakot nya ang mga taong naririto..
halata na ang takot sa kanilang mga mata dahil sa ginawa ni jeiha.

"Jeiha ibaba mo nayan, tinatakot mo ang mga taong bayan."

"Kamahalan, pababayaan nyo nalang bang sigawan kayo ng lapastangang ito? Hindi nyo ba sya parurusahan dahil sa pagsigaw nya sa inyo??"- tanong nya na ikina-iling ko,
Nagulat sya ng bahagya bago ibinaba ang tungkod nyang may patalim na parang kay kamatayan

"Patawad po."- paghingi ni jeiha ng tawad sakin.

"Ayos lang... basta huwag mo ng gagawin yun."- ani ko bago hinarap ang nanginginig na babae.

"I-ibibigay ko-kona sa inyo ang d-dalawang s-silid ng libre!
b-basta huwag nyo l-lamang akong s-sasaktan!"- nanginginig na sabi nya.

Nginitian ko muna sya bago sumagot.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon