🖤Chapter 26🖤

30 3 0
                                    


Third person POV

"Nandito napo tayo sa inyong silid, Lady Kyra.. nakahanda na po ang pampaligo niyo, kung wala na po kayong kailangan ay aalis na po ako." ani ng isang babaeng katulong bago siya nito nginisian.
May kaedaran na ito, kulubot na ang mga balat at halos makuba narin dahil sa katandaan.
Nakaramdam ng awa para sa matanda si kyra, halos sisihin na niya ang mga taong patuloy na inuutusan at inaalila ang kawawang matanda.
Ngunit sa huli ay ginantihan niya na lamang ito ng isang matamis na ngiti.

"Maraming salamat po." ani ni kyra
bago umalis ang matanda.

Nang makapasok ito ay halos malalaglag ang panga niya dahil sa laki at lawak ng kabuoan ng silid

Ang laki ng silid na ito, parang kakasya na ang sampong tao dito.!

Puro mga antique na mga bagay ang kaniyang nakikita, ang buong paligid ay napipinturahan ng itim at gintong kulay.
Halos lahat rin ng mga kagamitan ay yari sa purong ginto.
ngunit ang malaking higaan ay yari sa kahoy na Nara at itim at puti naman ang kulay ng sapin nito.

Maglilibot pa sana siya ngunit kailangan pa niyang maglinis ng katawan dahil ramdam na niya ang pangangamoy niya at hindi niya alam kung may nakaamoy ba sa kanya kanina, mas mabuti nang makasigurado.

Pumasok siya sa isang pintuan,
humakbang siya papasok at agad na isinara ang pinto.

Ilang minuto ang nakalipas ay umahon na si kyra mula sa tub at agad na hinanap ang tuwalya.
Ngunit agad niyang nasapo ang noo ng mapagtantong wala pala siyang nadalang kahit ano!!

Shit! Paano na?!

Hindi na maisip ng dalaga kung ano ang kanyang gagawin.
sari-sari ang mga pumapasok sa kanyang utak.

"Shit! bobo mo kyraa!"- paninisi nya sa sarili

"Nakakainis naman!"- anito sabay hila sa buhok.

"Paano kung tumakbo nalang ako sabay kuha sa tuwalya at bumalik sa loob?"- tanong niya sa sarili.

tatango-tango naman itong nagpunta sa may pinto habang sumasang-ayon sa kanyang naging desisyon.

Nang mabuksan ang pinto at lumingon pa ito sa kaliwa't kanan maging sa likod at unahan niya.

Nang aktong palabas na ay may isang boses siyang narinig.

"looking for this?"- ani ng lalaking kanina niya lang tinititigan.
Nakatayo ito sa harapan niya habang mariin na pinagmamasdan siya,
Nahiya tuloy siya, hindi niya mawari kung bakit ito bigla-bigla nalang pumapasok ng walang pahintulot.

Paanong nakarating siya agad dito ng ganoon kabilis?!
Ibang klase rin ang lalaking ito, daig niya pa si the flash sa bilis!

Agad na napatingin si kyra sa kamay ng kamahalan.
"Ah,... can you give me that towel, your majesty?"- namumulang ani niya habang nakatuon ang paningin sa tuwalya

"Here."- abot sa kanya ng hari
Nang akmang kukuhanin na niya iyon ay ang biglaan namang paghigit sa kanyang palapulsuan sanhi upang mapalabas siya sa kinatataguan.
Bumalandra sa harapan ng kamahalan ang walang saplot niyang katawan!

Walanghiya! Bastos!!

Labis ang pagkagulat ni kyra sa nangyari, hindi pa siya nakaangal ng bigla nalang idikit ng haring nasaharapan niya ang kanilang katawan.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon