(Toshi's picture in multimedia)👆👆
Sa isang malaki at may kadilimang silid, nakatayo ang isang makisig na lalaki na nakasuot ng magarang kasuotan..
Nababalutan ito ng pinaghalong itim at gintong magarang tela.
Matiim na nakamasid sa buwan ang lalaki na parang may naaalala sya sa tuwing nakatingin sa malaki at maliwanag na bilog na bilig na buwan.
Umihip ang malamig na hangin papunta sa may balustre kung saan nakatayo ang lalaking may magarang kasuotan.
Dinama nya ang bawat paghaplos ng hangin sa kanyang mapuputing balat.
Habang patuloy na nakamasid sa buwan ang lalaki ay may narinig syang mahinang katok mula sa malaking pintuan sa silid kung saan sya naroroon
Hindi ito kumibo at ipinagpatuloy lang ang pagmamasid sa napaka gandang buwan.
Dahan-dahang bumukas ang malaking pintuan at pumasok ang isang makisig rin na lalaki ngunit kaiba naman ang suot nito sa nauna.
Nakasuot ito ng baluti at may espada sa tagiliran.
Lumuhod ito sa lalaking nasa may balustre bago ito nagsalita."Kamahalan, may nahuli ang isa sa aking mga tauhan, isang babaeng may kakaibang kasuotan na hindi mula sa mundong ito.... marahil ay sya na po ang hinahanap nyo, kung mamarapantin nyo po ay dadalhin ko sya sa inyo mismo."- ani ng lalaking nakasuot ng baluti.
Isang tango lang ang natanggap nya mula sa tinawag nyang kamahalan.
Ang lalaking nakasuot ng baluti ay agad nang tumayo matapos makuha ang sagot ng kamahalan,
yumuko muna ito bilang pagbibigay galang bago tuluyang umalis.Naiwan mag-isa ang kamahalan, nakatingin parin ito sa buwan bago umusal ng mahinang bulong
"You're finally here, my beloved Queen"
Kyra's POV
Gaya ng sinabi kagabi ni lola jirika ay maaga kaming gumising upang hanapin si Yui.
Hindi na nakapagreklamo pa si Toshi dahil binantaan sya ni lola na hindi makakakain ng tanghalian kaya wala na syang nagawa kundi ang tumulong kahit labag sa kalooban nya.
"Sigurado kabang nandito ang kasama mo? hindi mo ba kami nililinlang lamang."- matalim na tingin ang ibinigay sakin ni toshi
tsk!.. Ayan na naman sya sa pagiging sigurista nya! Nakakainis!
Luminngon-lingon pa ako sa paligid upang hanapin si lola jirika dahil ayokong mapag-isa kasama ang lalaking ito dahil baka kung ano pa ang magawa ko rito.
Sa di kalayuan natanaw ko si lola na nagtatanong sa ibang mga tao.
Time to escape!
Maglalakad na sana ako ng mapatigil dahil sa biglaang paglabas ng isang nilalang
Ahas!
Nakapwesto ito ng paikot at handa na akong tuklawin.
Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang kaba at takot na nararamdamanNang akmang susugod na ito ay saka naman may isang malaking kahoy ang humampas dito at ang pagkabig saakin ng kung sino...
Napapikit ako dahil sa pagtama ng ulo ko sa matigas na dibdib ng kung sino
Nakayakap ang isa nyang kamay na may itim na porselas sa beywang ko habang ang isa naman ay may hawak na kahoy na iyon siguro ang ginamit nya sa pagpalo sa ahas.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...