🖤Chapter 10🖤

50 7 0
                                    

Kyra' POV

Nandito kami sa isang malaking silid, ang silid na ito ay tinatawag na templo ayon sa emperador.
Dinala nya kami dito dahil may gusto raw syang ipakita sa amin.

Puro gintong mga kagamitan ang makikita sa buong templo

Siguro pag binenta ko ang mga ito, bilyonaryo na ako.
Nah.... di naman ako ganun, baka si toshi pa!

Binalingan ko si toshi.

Halos masapok ko na sya dahil sa pasimpleng galaw nya upang makakuha ng mga gintong maibubulsa.
hindi na nahiya!

Muka talaga syang pera!

Binaling ko nalang ang atensyon sa mga bagay na nasa loob ng templong aming kinaroroonan ngayon.

"lady kyra, Toshi hali kayo"- ani ng emperador at sinenyasan kaming pumasok sa isa pang silid dito sa templo.

Agad naman akong sumunod gayun din si Toshi at pumasok kami sa loob ng silid.

Pagkapasok ko palang ay kakaiba na ang naramdaman ko,
Parang may isang malakas na presensya ang nasa loob,
Madilim ang aura sa buong silid at halos kapusin na ako ng hangin dahil sa kanipisan nito.

"E-emperador N-natoki?"- tawag ko

Ngunit walang sumasagot.

bumaling ako sa likuran ngunit wala sya roon maging si Toshi ay wala narin, Nakasarado na pati ang pintuan.

Anong nangyayari? Bakit nila ako kinulong sa silid na ito?!

Wala pa akong gasinong maaninag dahil kakaunti lamang ang pumapasok naliwanag galing sa maliit na bintana ng silid na ito.

May ibang parte ang sobrang dilim kaya't mas pinili kong manatili sa bahaging may kakaunting liwanag.

Hindi ko alam kung ano ang binabalak ng emperador ngunit may kutob akong hindi maganda.
Parang sa pagkakataon ngayon hindi ko na ito matatakasan pa.

Bigla nalang sumindi ang mga sulo sa bawat gilid ng pader dito sa silid.
kaya't nagbigay ito ng liwanag dahilan upang makita ko ang buong paligid.

Sa di kalayuan sa pwesto ko, Nakita ko ang isang estatwa.

Estatwa ng isang itim na dragon!

Sa hindi malamang dahilan bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, bigla rin akong kinabahan at nakaramdam ng pangungulila.

Ano tong mga nararamdaman ko??

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa ngayon dahil ngayon ko palang ito naramdaman at sa isang Estatwa pa!

hindi, hindi, hindi! kailangan ko ng maka-alis dito!

Agad kong tinungo ang nakasaradong pinto at kinalampag iyon

"Toshi! Toshi! palabasin mo ako, Emperador Natoki, Ilabas nyo ako rito!"

habang patuloy ako sa pagsigaw at pagkalampag sa pinto ay may isang mahina ngunit malalim at malamig na boses akong narinig.

"Queen....."

napakahina lang ng bulong na iyon ngunit sapat na para makapagbigay sa akin ng kakaibang takot.

hindi ko alam kung may kasama ba ako sa silid na ito o wala.

bakit may boses?! wahh! palabasin nyo na ako takot ako sa multo!!

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon