🖤 Chapter 29🖤

24 3 0
                                    

Toshi's POV

Habang naglalakad ako, may pangilan-ngilan akong nadadaanang nga sirang bahay, kung hindi sira ay nasusunog ang mga ito.

Sa parteng tinatahak ko ay ang dulo ng bayan ng Sona, hindi naman ito daanan ng mga rebelde o mga kawal
dahil ang Sona ay unang bayan.
Ang alam ko'y wala pang naitalang ganitong kaso sa tuwing pumupunta ako sa hangganan ngunit bakit ganito ang kinahinatnan ng lugar na ito?

Inilibot ko ang aking paningin at natagpuan ang isang matandang babae na nakahiga sa lupa habang nakadagan dito ang isang malaking
kahoy.

Agad ko siyang pinuntahan at tinulungan

"Ayos lang ba kayo? Ano bang nangyari dito?"- tanong ko sa matanda

Nakita kong dumudugo ang bahagi ng kaniyang ulo maging ang kanyang kanang binti na naipit.

Kinuha ko sa aking dalang supot ang panglunas sa kanyang sugat.

Ito ay mga dahon ng almandras, mula sa bundok na matatagpuan sa bayan ng shojuk. Ibinigay sa akin ito ng emperador bilang regalo.
Mabuti na lamang at nadala ko ito.

Agad kong ginamot ang sugat ng matandang babae at binigyan narin siya ng makakain at tubig.

"Maraming salamat iho, pagpalain ka sa iyong kabutihan"

Tinanguan ko ito

"Maaari ko ho bang malaman kung ano ang nangyari dito?"-tanong ko

Bahagya itong natigilan bago tumingin saakin diretso.

"Maayos naman ang lahat kanina..
Ngunit nagkagulo ang lahat ng dumating sila..

~~~Flashback~~~~

Third person POV

"Bili na kayo! Masasarap at mga bagong pitas ang mga gulay at prutas ko galing kanluran!"

"Magkano ang peras?" - ani ng isang matandang babae habang sinisipat ang mga paninda ng ale.

"Nako inang murang-mura ho ang aking benta jan! tatlong pilak lang kada isang kilo" - magiliw na ani ng tindera

"Hmm sige kukunin ko."

Maya-maya ay may dumating na mga bandido, sinalakay nila ang hangganan ng bayan ng Sona.
Lahat ng makita nila at madaanan at sinisira. Ang mga taong nanlalaban ay walang awa nilang pinapaslang

Nakatakas ang isang binata at agad na nagpunta sa kaniyang lola upang babalahanan ito.

Nakita ito ng binata na bumibili ng prutas kaya agad niya itong hinigit

"Sinasalakay tayo ng mga bandido! malapit na sila rito, magmadali kayo, tumakas na kayo inang!"- ani ng binata at tinulungan na makalayo ang kanyang lola.

Subalit hindi pa man nakakalayo ang dalawa ay may humarang na sa kanilang daraan.
Isang malaki at barbarong tao na may malagong balbas ang humarang sa kanila
bitbit nito ang isang palakol na ubod ng bigat.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon