🖤Chapter 11🖤

45 7 0
                                    

Yui's POV

Nakatanaw ako sa madilim na kalangitan, nagmumuni-muni at iniisip kung ano nang sunod na hakbang ang gagawin.

Halos limang sunod-sunod na araw nya na akong hindi dinadalaw dito sa silid ko.
at limang araw din akong nagbabakasakaling makita sya.

Hindi ko man maamin sa sarili ko ngunit, nami-miss ko sya..
Nami-miss ko ang hari ng mga dragon..

Ang kanyang malalalim na kulay lilang mga mata ang nagparamdam sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Oo nga't nagagawa nya akong saktan ng paulit-ulit ngunit paulit-ulit ko rin syang napapatawad.

Hindi ko magawang magalit sa kanya..

dahil...,

iniibig ko sya.

ilang araw o linggo na ba akong namamalagi sa silid na ito?
halos hindi ko na mabilang.

ilang araw o linggo narin mula ng makilala ko ang lalaking nagngangalang Yurie, sya ang lalaking pumasok dito sa silid ko ng walang pahintulot at sya rin ay galing sa ibang mundo gaya namin ni kyra..

Kyra.....

Nasan kaba kyra? Sana'y nasa maayos kang lagay..
at sana, wag mo na akong hanapin pa.

Ayokong hanapin ako ni kyra, dahil baka manganib lang ang kanyang buhay pag nagpunta sya rito, at
ayokong makita nya sya.

Napalingon ako sa may pinto ng bumukas iyon at pumasok si Yurie.

"Nandito na po ako at may dalang ulat, lady Yui."- ani nya.

Si Yurie ang lalaking may naka-tatong ahas sa kanyang dibdib ay inutusan ko upang alamin kung nasaan si kyra.

Dahil sa sinabi nyang gagawin nya ang mga gusto ko..
Ipinag-paliban ko muna ang
pagpa-plano upang makabalik sa aming tunay na mundo dahil sa isang dahilan.

"Nasan sya." - seryosong tanong ko kay Yurie na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ko.

"Namataan ko sya sa Silangang bahagi ng emperyo ng Shojuk, kung saan namumuno ang emperador ng shojuk na si Emperador Natoki.
Hindi sya nag-iisa dahil may kasama itong lalaki na ipinagtatanggol sya.
at kung tama ang narinig ko, Toshi ang pangalan ng lalaking iyon lady Yui."- balita nya.

Natutuwa ako dahil may isang tagapagtanggol si kyra na ano mang oras ay handa syang ipagtanggol..
kaya hindi na ako masyadong mag-aalala pa sa kanya.

"Ano naman ang ginagawa nila sa emperyong sinasabi mo?"- tanong ko.

Posible kayang doon sya napunta ng mahulog kami sa mahiwagang asul na lawa?

"Ayon sa narinig kong usapan nila habang papunta sa bayan ng shojuk ay may hinahanap silang may pangalan gaya ng sa inyo, lady Yui"
-sambit ni Yurie

Agad akong napalingon sa direksyon nya.

kung ganon ay tama nga ang hinala ko, Hinahanap nga ako ni kyra!

hindi... hindi sya pwedeng makapunta rito!
manganbanib sya!

at isa pa...

makikita nya sya....

kailangang pigilan ko sya.
kailangan may gawin ako upang wag na syang tumuloy.

"Yurie."- tawag ko kay Yurie na agad namang sumagot

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon