🖤Chapter 2🖤

85 10 0
                                    

(Yui's picture in multimedia)


kyra

Naalimpungatan ako dahil sa mainit na sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Dahan dahan akong nagmulat at ang unang nakita ay ang nakakasilaw na liwanag mula sa araw.

Agad kong isinangga ang braso bago pumikit at inalala ang mga nangyari.

....................

Bigla akong napabangon ng maalala lahat ng nangyari.

"B-buhay pa ako?!"- hindi makapaniwalang sambit ko at kinapa ang sarili

"Tang*na buhay nga ako! Ahahahaha!"
-parang baliw na sambit ko

"Hindi ako makapaniwala, grabeee totoong buhay talaga ako! wahh thank you lord!"- ako at nagpaikot-ikot habang tumatalon na parang nakawala sa mental

masaya lang talaga ako ng malamang hindi ko pa oras at binigyan pa ako mg pangalwang pagkakataon para mabago ang sarili ko...

Salamat po, pangako ko hindi na ako magmumura! pinky promise..

Pero napatigil ako sa katatalon ng mapagmasdan ang paligid ko.

Madamo.... Maraming puno..... at sa di kalayuan may bayan akong natatanaw..

pero isa lang ang nasa isip ko at yun ay......

"Putang*na nasan ako?!!!" -gulat at takot kong sigaw.
mukang hindi ko na matutupad ang pangako ko kay lord...

Hindi naman siguro ako patay na diba? wala pa naman ako sa langit diba?

teka.. bat ko nga ba tinatanong ang sarili ko eh wala naman akong makukuhang sagot? hayyy baliw!

"Ang ingay mong nilalang ka, tumahimik ka! kung ayaw mong ako mismo ang tumapos sa buhay mo"

teka...

saan naman nanggaling ang boses na yun?

nilibot ko ang paningin sa buong lugar pero wala akong nakikitang kung sino.

baka naman...... wag naman sana!

wahhh takot ako sa multo!

"Tsk! Dito sa taas!"- sambit uli ng boses kaya napatingin ako sa malaking puno na nasa gilid ko at doon ay nakita ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses

Nakasandal sya sa puno habang naka decuatro at naka cross ang dalawang braso sa dibdib.

Inis nya akong binalingan ng tingin mula sa taas,
halata na kakagising lang nito dahil gulo-gulo pa ang buhok nyang hanggang leeg at malamlam na mata.

"Kahit na isa kang babae hindi kita pagbibigyan..
sinira mo ang tulog ko kaya magbabayad ka!"- angil nito bago tumalon sa puno.

Nasaharapan ko na sya, at kitang kita ko na ang itsura nya..

Gwapo sana pero magaspang ang ugali!

Mas matangkad sya sakin kaya nakatingala ako.
May kalakihan rin ang pangangatawan nito kaya nagimbal ako ng sinabi nyang pagbabayarin nya raw ako

Mas lumapit pa sya sakin at nacorner na nya ako sa malaking puno

A-a-anong gagawin n-nya??

wahhhh ayoko pang mamatay!

Itinaas na nya ang kamao nya kaya
Napapikit nalang ako ng mariin at iniintay na dumapo ang kamao nya sa mukha ko..

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon