kyra
Hating gabi na ng makarating kami sa bayan ng Sina.
Halos mapamaang ako sa ganda at laki ng lugar!
Mas malaki ito at mas maraming tao ang nandito kung para sa bayan ng Shojuk na pinamumunuan ni Emperador Natoki.Ang bawat tao ay nagkakasiyahan at may malalaking ngiti sa labi ngunit bigla itong nawala ng madako ang tingin nila sa direksyon namin.
Ang lahat ng nagkakasiyahan ay natigil ng mapalingon sa amin.
Ang iba ay nagsitakbuhan na parang nakakita ng multo samantalang ang iba naman ay nanatili sa kanilang kinatatayuan ngunit hindi gumagalaw, halata rin sa bawat mukha ng naririto ang matinding takotSa amin ba sila takot??
"Nandyan na ang pangkat ni Yoku!"- mahihimigan ang takot sa boses ng isang sumigaw.
Yoku? at sino naman ang isang iyon??
"Alam kong nagtataka ka kung bakit ganito ang kinikilos ng mga taong ito.
Sasabihin ko sa iyo mamaya pag nakahanap na tayo ng matutuluyan."- bulong ni taka
tumango nalang ako sa kanya.Umupa sila ng apat na kwarto, magkasama daw kami ni Nanami sa isang kwarto para may magbantay daw sakin kung sakaling tangkain kong tumakas. tss.
Ayos lang naman sakin yon, As long as hindi niya ako sasakalin pagnatutulog na ako.
"Magkano?"- ani ni Taka sa may ari ng upahang bahay.
nanginginig itong umiling sa kanya.
nagpapawis din ang noo nito at nabaling-baling sa ibang direksyon ang mata."Magkano?"- muling tanong ni Taka sa Lalaki na hindi na malaman ang gagawin
"Sagutin mo si sya kung ayaw mong putulin ko ang dila mo!"- marahas na ani ni Nanami na agad sinaway ni Kato.
Ang lalaki ay umiyak at nagmamakaawa sa harapan namin, humingi ito ng paumanhin at saka sinabing wala ng bayad ang bahay upahan bastat huwag lamang daw siyang sasaktan.
Parang ganito rin ang nangyari noon sa amin ni Jeiha.
Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit dahil sa mga taong mapang-abuso sa kapwa.
Hindi man lang nila iginalang ang pinagkakakitaan ng mga taong ito bagkus inaabuso pa nila ito!Lalapitan ko na sana ang lalaking nakaluhod at nagmamakaawa ng hawakan ako ni Yoshi sa braso.
kunot-noo ko siyang binalingan"Ano sa tingin mo ang gagawin mo."- seryosong ani nito
"Tutulungan ko ang lalaking inaabuso ng mga kasama mo!"- ani ko ngunit hindi nya ako binitawan
Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas siya."Sa tingin mo kami lang ang umaabuso?"- aniya na ikinakunot ng noo ko
"Araw-araw inaabuso ng lalaking yan ang mga umuupa sa paupahang bahay na ito. Tinataasan nya ng Tatlompong pilak bawat isang uupa, mataas sa totoong presyo.
Sa tingin mo, hindi pang-aabuso yun?"-anito na talagang tama.
pang-aabuso nga iyon pero"Ngunit hindi nyo naman kailangang gumanti sa taong iyon dahil katumbas ng pagganti nyo ay ang paggaya nyo narin sa kanya!"
Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi ko ngunit bumalik rin agad sa dating walang emosyong mukha.
"Wag mo kaming itulad sa mga hangal na taong yan. Ibang-iba kami."- mariing aniya bago marahas na bitawan ang kamay ko at saka ako nilagpasan.
Tiningnan ko naman ang kamay ko na hinawakan niya.
Namumula ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina.Bakit ganoon nalang kaya ang galit niya sa mga tao rito?
May kinalaman kaya iyon kung bakit siya/sila nasa ganitong sitwasyon?..........
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...