🖤Chapter 8🖤

54 7 4
                                    


(Yurie's Picture 👆👆)






Kyra's POV

"Yahhhhhhhhh! Toshiii!"- tumakbo agad ako sa likod ni toshi at sya ang ipinangharang sa emperador

Alam kong sya na ang pinakamagandang nilalang na nakita ko at halos ilang taon lang ang pagitan ng edad namin pero....

Di pa ako handang magpakasal!!

Ayoko! ayoko! ayoko pa!!!!!

"There is no way I can marry you! "

Nawala ang nakangiting muka nito..
napalitan iyon ng isang seryosong mukha at parang hindi maganda ang nasabi ko..

Eh?? hala! ang tanga ko!
di nga pala sila nakakaintindi ng English! hayyyy!

Magsasalita na sana ako ng sa isang iglap ay nawala sa unahan ko si toshi.
inilibot ko ang paningin para hanapin sya at nakita ko sya sa isang gilid habang hawak ng emperador at may nakatutok na patalim sa leeg nito.

Sobrang bilis!

ni hindi ko man lang napansin ang pagkilos nya! parang isang hangin na dumaan na hindi napapansin ng kung sino!

Anong klaseng Emperador sya?!

"alam kong hindi ka papayag kaya't gagamitin ko ang kaibigan mo para papayagin ka.. Ngayon,ayaw mo parin ba akong pakasalan?"

shit! pakiramdam ko na blackmail ako!

Anong gagawin ko?

Anong gagawin ko??

Napapikit nalang ako ng mariin...
Seryosong sitwasyon ang kinahaharap ko ngayon, at kung pipiliin ko ang pride ko ay mapapahamak si toshi

kung si toshi naman ang pipiliin ko ay kailangan kong magpakasal sa magandang emperador na ito.

hayyyy pano na????

Muli akong nagmulat at hinarap ang emperador.

"Kyra wag kang papayag!"- toshi..

lumambot naman ang puso ko dahil sa sinabi ni toshi..
kahit na nasa ganito na kaming sitwasyon ay inuna nya aprin ang kapakanan ko..

Mukang nag-iimprove na sya!

"Wag kang papayag na mamatay ako!!
Pakasalan mo na sya!"- Pota!?

Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya.

Binabawi ko na ang sinabi ko tungkol sa kanya! Lahat ng mga mabuting bagay at mga pag-puri ko sa kanya, lahat iyon binabawi ko na!

"Akala ko ba nagbago kana?! Mali pala ako, makasarili ka parin!
Grrrr! Nakakainis ka Toshii!!"-inis kong sambit.

__________________

Nakaupo ako at nakaharap sa malaking salamin habang inaayusan ng mga babae katulong sa palasyo.

Inayos na nilang buhok ko at maging ang aking kasuotan ay nakasuot na sa akin, nialgyan rin nila ako ng mga kung ano-anong kolorete sa mukha.

pati mga palamuti sa aking buhok ay mayroon din.

Napakuyom ako.
kung hindi lang talaga ako may utang na loob sa sira ulong lalaking iyon ay wala sana ako sa sitwasyon kong ito!

Nakakainis!

Halos dalawang oras ang itinagal ng pag-aayos nila sa akin, at maya-maya ay magsisimula na ang siremonya ng kasal.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon