Third person POV.Habang patuloy ang pagtahak nina Yui at Yurie sa direksyon patungo sa kinaroroonan ng hari ng mga dragon, ay ganon na lamang kabilis ang pag-pintig ng puso ng dalagang si Yui para sa hari ng mga dragon na sya nyang iniibig.
Alam nya sa sarili nyang bawal ang pag-ibig na kanyang nararamdaman para sa lalaki ngunit sadyang hindi nya mapigilan ang matinding bugso ng kanyang damdamin.
Alam rin niyang balang araw ay magkakasama rin ang lalaking kanyang pinakamamahal at ang kanyang kaibigang si kyra.
Ngunit, sa tulong ni Yurie ay magagawa nya itong hindi mangyari.Hinihiling ng dalagang si Yui na sana ay siya na lamang ang ibigin ng hari at kalimutan na nito ang kanyang kaibigan, Na sana ay maramdaman nya ang tunay na pagmamahal na hinding-hindi pa nya nararanasan maging sa mga taong nakapalibot sa kanya ay hindi nya ito naramdaman.
Habang naglalakad sa malawak na pasilyo ang dalawa ay napabaling ang binatang si Yurie sa dalaga.
Batid nyang masaya ito ngunit nakakakita sya ng kaunting lungkot s amga mata nito."kahit hindi mo sakin sabihin ay alam kong siya ang may gawa ng malaking sugat sa iyong likod." ani ng binata na marahas na ikinabaling sa kanya ni yui.
Masama nya itong tiningnan na parang napakalaki ng kasalanang ginawa nito.
"Paano mo nalaman ang sugat sa aking likod?! May ginawa kabang hindi magandang bagay habang natutulog ako?? Sagutin mo ako!"- galit nyang ani sa lalaki
Nanataling seryoso ang mukha ng binatang si Yurie habang nakatingin sa galit na galit na dalaga.
Batid nyang ganito na ang mangyayari una palang.bumuntong hininga muna ang binata bago sagutin ang tanong ng dalaga.
"Paumanhin.. Wala akong masamang intensyon sayo, lady Yui.
Nang mga panahong iyon, Napunta ako sa iyong silid upang mag-ulat ng tungkol sa iyong kaibigan ngunit nakitang kong ika'y payapang nahihimbing na, kaya't napagdesisyonan ko ng umalis, Subalit narinig ko ang iyong daing...
At napansin kong may kaunting dugo sa inyong likod, nagpasya akong tingnan iyon at nagulat dahil sa laki noon."- ani ng binata bago unti-unting naglakad papalapit sa dalagaUmatras ng umatras si Yui hanggang sa pader na lamang ang tumama sa kanyang likod.
"L-lumayo ka, Y-yurie!"
Lumapit pa ng lumapit ang binata hanggang sa maabot nito ang tenga ng dalaga at saka bumulong roon.
"Habang natutulog ka, binanggit mo ang mga salitang, ka-ma-ha-lan..
sabihin mo sa akin lady Yui,
Paano mo minamahal ang isang walang pusong gaya nya?
hindi ba't sya ang nagbigay sayo ng sugat na iyan..."- ani ng binata na ikinatigil ni Yui.Hindi makapaniwala si Yui sa mga sinasabi sa kanya ng binata.
Sa ilang detalye lamang ay nagawa na nitong mahulaan ang mga bagay na nangyari sa kanya noon.Mukang hindi nga basta-basta ang binatang nasa harapan niya ngayon.
Ano bang pakialam nya?? Hindi nya ako maiintindihan dahil hindi nya pa nagawang magmahal!
"Kahit na siya ang may bigay sakin ng sugat na nasa likuran ko, hindi maalis nuon ang pagmamahal ko sa kanya,
Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo pa naranasang magmahal."- ani ni Yui at tinalikuran na ang binata.Nagpakawala naman ng isang malademonyong ngisi ang binatang si Yurie,
Mga hangal ngang talaga ang mga tao.
ilalagay nila ang sarili para lamang sa kanilang minamahal.
Mga inutil! Madali ko lang makokontrol ang babaeng ito dahil sa walang kwentang pag-ibig nya sa hari!
Ahahahaha! (evil laugh)
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...