Kyra's POVMatapos kong maisuot ang magarbong gown na ito, ay pahirapan naman sa pagdadala, oo nga't sobrang nakakaakit ito sa paningin ngunit kabaliktaran naman pag suot na, para kang nagdadala ng sako ng bigas sa sobrang bigat!
Nag-aalala rin ako sa may bandang dibdib nitong gown na aking suot, parang ano mang oras eh mahuhubad!
kung hindi lamang dahil sa higpit nito eh baka makitaan na ako niyan.
Tsk! ano bang klaseng damit ang kanilang sinusuot? parang damit nung Victorian Era!Nakaharap ako sa mahabang salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan.
Maganda naman ang gown sakin at fit den, kung baga itinahi talaga ito para sa akin.
Curious ako kung sino ang designer ng gown na ito, gusto kong pabaguhan yung bandang dibdib.Naagaw ang atensiyon ko ng may sunod-sunod na katok mula sa pinto ng aking silid.
"Are you still not ready? i can help, if you want?"- aning walanghiyang lalaki sa likod ng pinto.
Bastos!"Hindi na kamahalan, lalabas na ako."- medyo inis na ani ko
Nilabas ko na siya, pagkalabas ko nagulat ako ng bigla niya na lamang higitin ang beywang ko palapit sa katawan niya.
"Anong?!"
"Shh.. They're watching us."- anito habang blankong nakatingin sa unahan. Namula naman ako
Nilibot ko ang paningin at tama nga siya, nakatingin sila sa amin, Tingin na parang inaalisa kaming mabuti, o mas tamang sabihing, Ako.
Nakaline ang mga maids at mga naka unipormeng lalaki sa may gilid habang dumadaan kami ni Yuro sa gitna nila..
Yuro? tsk! kelan ko pa natutunang banggitin ang pangalan ng manyakis na ito?!
Dumaan kami sa isang mahabang pasilyo, bago nakarating sa isang may kalakihang pinto, iba ang laki nito kungpara sa mga silid sa palasyo,
may magaganda itong disenyo na nakaukit at mukang purong ginto ang isang malaking pintong ito!Natanaw ko ang dalawang lalaki na nakauniporme, sila ang nagbukas ng malaking pintuan para sa amin,. kayat pumasok na kami. Sinabayan ko lang ang paglalakad ni kamahalan kahit na nagkakandadapa na ako sa suot kong mataas na heels.
Uso pala sa kanila ang high heels?!
"Kamahalan"- Ani agad ng isang magandang babae at agad na lumapit sa amin ni Yuro, ngunit agad ding napatigil ng makita ako sa tabi ni kamahalan.
Sino kaya ang napakagandang babaeng ito?. Para siyang dyosa sa ganda at isa pa nahigitan niya ang ganda ni Nanami at Fumaih..
kahit na medyo may pagka luka-luka ang dalawang iyon eh may ibubuga naman pagdating sa pagandahan ng mukha."Kariya"- may pagbabantang ani ni Yuro sa magandang babae
Ano kayang ibig sabihin ng nagbabantang tono ng pananalita ni kamahalan? At bakit niya binabantaan ang magandang babaeng nasa harapan namin?
Ngumuso ang tinawag na kariya ngunit hindi parin nabawasan ang mala anghel niyang itsura.
Grabe ang taglay na kagandahan ng babaeng ito.
Bakit ganon?? Anak ba siya ni Aphrodite?!"It's karie not kariya, Kailan mo kaya ako tatawagin sa pangalan kong karie, Yuro?"- malanding anito na parang sila lang dalawa ang nag-eexist.
tsk! hindi lahat ng pinagpala sa kagandahan eh pinagpala rin sa kabutihang loob! at isang halimbawa na rito ang babaeng nasa harapan ko!
"Yow Aming kamahalan?! Who's that beautiful lady beside you?"
Napatigil sa pag-lalandian ang dalawang haliparot at napatingin sa nagsalita, maging ako ay nakatingin narin sa lalaking may kulay dilaw na buhok.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...