(Emperador Natoki's picture 👆👆)
Kyra's POV
"Yahh!"
Napadaing ako ng mahila uli ang kamay ko,.
Namamaga na ito dahil sa mahigpit na pagkakatali at lagi itong nahihila sa bawat pagbilis ng lakad ng kabayo kaya't lalong sumasakit.Nag-aalalang napatingin sa akin si toshi. Gaya ng sa akin ay namamaga narin ang kamay nya ngunit hindi nya naman yon iniinda at parang wala lang yon sa kanya.
Kanina pa kami pinaglalakad habang sila ay nakasakay sa kabayo habang hila-hila ang tali na nakatali sa mga kamay namin.
Marami ang nakabantay na kawal sa paligid kaya't walang paraan upang makatakas kami.
Maya- maya pa'y narating na namin ang isang malaking tarangkahan.
Agad iyong binuksan ng marinig ang tawag ng isang opisyal na kasama namin
Dahan-dahang bumukas ang malaking pinto at agad naman pumasok ang mga kabayo habang hila ang tali namin.
Napatingin ako sa unahan ng makita ang isang napakalaking palasyo,
halos na panganga pa ako kung hindi ko lang napigilan ang sarili.Nakakamangha ang laki at ganda ng palasyo at sa pinaghalong pula at gintong kulay nito..
"Huwag kang lubos na mamangha, hindi pa natin alam kung anong gagawin nila sa atin, lagi kang maging alerto."- paalala ni toshi habang nakamasid sa paligid.
tama sya hindi dapat ako maging kampante..
Agad kaming pinasunod habang hawak parin ng dalawang kawal ang tali.
__________________
"Ano na?"- tanong nya habang pabalik-balik na naglalakad..
hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos dahil sa paglakad nya pabalik-balik..
nakakahilo!
"Pwede bang huminto ka muna saglit? nakakahilo kana, nag-iisip ako oh!"- angil ko
Inis naman syang naupo sa isang pahabang silyang kahoy na narito sa silid.
Dito nila kami ikinulong.
Isa itong silid na may kadiliman, isa lang ang bintana at may dalawang pahabang upuan na kahoy ang nakadikit sa pader.
Bakal ang mga rehas ng pinto at may kakapalan ito, kaya hindi basta-basta masisira.
kanina pa akong tinatanong ni Toshi kung ano ang naisip kong plano dahil ako naman daw ang pumayag na magpahuli sa kanila..
Oo na, kasalanan ko na kung bakit kami nahuli at nakulong sa may kadilimang selda na ito.
Pero hindi ko lang talaga maatim na makipaglaban..
"Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ako pumayag sa plano mo."- seryosong sambit nya
inirapan ko nalang sya dahil sa pagiging mapanisi nya..
hayy, kung hindi ko lang kilala tong lalaking ito malamang na nabusalan ko na ang bibig nya!
Napatayo kami ng buksan ng isang kawal ang rehas na bakal at sinenyasan kaming lumapit..
"Sumunod kayo" ani nito at naglakad na habang kami ni toshi ay nagkatinginan muna sandali bago sumunod sa kawal.
Dinala nya kami sa isang malawak na hardinan, maraming iba't-ibang bulaklak ang makikita
may ilang pamilyar sakin at meron din namang mga hindi.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...