🖤Chapter 30🖤

41 5 2
                                    

Kyra's POV

Narito ako ngayon sa balustre ng aking silid.
Dalawang araw pa lamang ang lumipas mula noong pagpupulong sa palasyo.

Napagpasyahan kong manatili sa kwarto upang makapag-isip isip ng mga gagawin kong hakbang.

kahit naman na ipinakilala ako ni Yuro bilang reyna niya sa mga nandito sa palasyo eh hindi ibig sabihin na gusto kong manatili rito.

Nandito lang ako dahil baka magamit ko sila sa paghahanap ko kay Yui at pag nangyari yun ay tatakbo ako kasama si Yui at aalis kami sa mundong ito!

Muli akong sumimsim sa masarap na tsaang aking iniinom.
Napakabango nito at ang sarap din ng lasa.!
Ang sabi sa akin ng isang taga pagsilbi ay mula pa raw ito sa kanluran at bihira ka raw makahanap ng ganitong uri ng tsaa at isa pa, kung bibilhin mo ito ay tiyak na kulang pa na ipagbili ang isang mansion!

Grabe! Sobrang mahal naman..!
pero ayus lang , sulit naman ang lasa..!

Maya-maya, nadako ang paningin ko sa isang lalaking may mahabang kulay pulang buhok.

Siya yung..
Isa sa mga maalamat na dragon..!

Nagtaka ako kung saan siya papunta.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa napagtanto kong papunta siya sa may Kagubatan..!

Ang kagubatan ay matatagpuan sa likod ng palasyo ng Drakos.
Bibihira lang ang nagpupunta roon dahil sa mga mapapanganib na hayop at nilalang at isa pa, mahigpit ang pagbabantay rito ng mga kawal ng palasyo.

Nasabi rin sa akin ni Yuro ng nagkausap kami na huwag daw akong magtatangka na pumunta sa lugar na iyon ng hindi niya alam o hindi siya kasama..!

Pero, Nangunguna na ang kuryosidad ko ngayon dahil sa pagpunta ng pulang dragon sa mapanganib na kagubatan..!

Ano naman kaya ang gagawin niya sa ganoong kadelikadong lugar?

hindi kaya.?

Hindi niya alam na mapanganib ang gubat?!

Kailangan ko siyang balaan..!
kung hindi, baka mapahamak siya..!

Agad na akong tumayo at nagtungo sa aking pinto ng mapatigil ako.

hindi..hindi dapat ako dito dumaan, baka makita nila ko lalo na si Yuro, baka pigilan niya ako..

Nag-isip ako ng paraan.

Hanggang sa mapatingin ako sa kumot ko.

Ting!

Agad ko iyong kinuha at pinagbuhol-buhol hanggang sa nagi na itong isang lubid na magagamit ko sa pagbaba.

Hindi naman masyadong mataas ang silid na kinalalagyan ko, kaya malabo na mamatay ako sa ganito kataas na lugar.........

...

.....

ok sige!

Magkakalasuglasog lang ang buto ko pag nahulog ako sa ganito kataas na lugar..!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon