🖤Chapter 23🖤

31 5 0
                                    

Kyra

Eto na naman kami, sa kagubatan, Naglalakbay pero ngayon ay hindi ko na alam kung saan kami pupunta, wala naman kasi silang sinabing destinasyon kung saan ba kami patutungo!

Napagdesisyonan ko ng hindi muna ako tatakas at makikisama nalang sa kanila hanggang sa makita ko si Yui, At pagkatapos nun saka ako tatakas at babalik sa aming mundo!

tama! tama!

"Anong tinatango-tango mo dyan?
haha para kang may sayad alam mo ba yun?"- natatawang puna ni taka

sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinaatras niya naman.

Maya-maya ay napahinto ang kabayong sinasakyan ko ganun din ang sa kanila.
Nagtatakang napatingin ako sa unahan at nagulat sa dalawang taong nakatayo sa harapan namin.

Tuwa at galak ang bumalatay sa mukha ko ng makita kong muli si Jeiha na kasama si Fumaih!

Anong ginagawa nila rito? Ililigtas ba nila ako sa kamay nila Toshi??

Seryosong humakbang ng isang hakbang paunahan si Jeiha at Hinarap ang Pinuno ng tulisan na si Yoshi bago ibinaling ang paningin sa likod nito kung nasan ako.

"Ibigay nyo ang babaeng iyan sa amin"- utos nito sa may awtoridad na tono.

Medyo nagulat ako ng kaunti dahil sa naging tawag sakin ni Jeiha..
Ngayon lang nya kasi ako tinawag na babae, kaya naninibago ako.

"At bakit naman kita susundin?"- ganti ni Yoshi sa walang emosyong mukha.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Jeiha kaya kinabahan ako.

Anong plano nyang gawin??

Walang sali-salitang inilabas ni jeiha ang kaniyang kusarigama bago iyon iwasiwas papunta sa direksyon namin, nagpakawala ito ng kulay berdeng liwanag na papalapit na sa kinatatayuan namin ngunit biglang may humigit sa beywang ko at sabay kaming napatalon sa kabayo.

ang kulay berdeng liwanag na iyon ay tumama sa may puno dahilan ng pagkahati nito sa dalawa

hindi makapaniwalang binalingan ko si Jeiha na ngayon ay nakangisi lamang!

Seryoso ba talaga siya?!
muntik na akong mamatay sa atakeng iyon?!!!

"Tsk!"- si Yoshi bago ako binitawan.

Nagtatakang binalingan ko siya ng tingin, ngunit nabaling ang tingin nito  kina taka at sa iba pa.

Nakita ko ang pagtango niya kay taka na tinganguan rin ng huli.
Sunod ko na lamang naramdaman ay ang pagbuhat sakin ni taka at basta na lamang ako nito isinampay sa kanyang likod.

Nagpupumiglas ako na bitawan niya ngunit parang bingi lang itong nagpatuloy sa paglayo kung nasan sina Yoshi at Jeiha

"Taka ibaba mo ko! Ano ba?!"

"Paumanhin ngunit hindi ko maaaring suwayin si pinuno.
Huwag kang mag-alala hindi ka namin ibibigay sa kanila."- anito na patuloy akong inilalayo

.....

Yoshi POV

"Hindi ko alam ang dahilan niyo kung bakit gusto nyo siyang makuha..
Ngunit, nakapagdesisyon na ako..
Hindi ko siya ibibigay sa inyo o sa kahit kanino man!"- ani ko bago hinugot ang aking espada

Alam ko una palang na mas malakas siya sa akin dahil hindi pangkaraniwan ang kapangyarihang bumabalot sa kanya ngayon.

Bagamat alam kong hindi ako mananalo, nais ko paring lumaban, gusto kong malaman kung hanggang saan ang kakayahan niya.

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon