Kyra's POV"Toshi"
Hindi parin ako makapaniwala na nasaharapan ko sya ngayon
Kahit na ilang linggo na ang nakalilipas ay nalulungkot parin ako dahil umalis siya noong araw na iyon at iniwan ako.Pero ngayon, na kaharap ko na siya ulit, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakakunot naman ang kanyang noo habang nagtatakang nakatingin sa akin.
Galit kaya siya sakin?
"Ang lakas ng loob mong tawagin ang pinuno namin sa ibang pangalan! Pangahas ka ngang talaga!
Humanda ka sakin!"Nanatili ang tingin ko sa kanya, ni wala siyang sinasabing kahit ano.
Sobra na ba talaga ang galit nya sakin?Sya na ang unang nag-iwas ng tingin at ibinaling iyon kay nanami na nanggagalaiti na sa galit.
"Nanami."-aniya na nakapagpatigil sa huli.
Para itong isang taong may kakayahang paamuhin ang kahit na sino sa isang salita lamang."Labas"- maikling aniya sa mga kasamahan
"P-pero---
"Tayo na, hindi mo gugustuhing magalit pa sayo ang pinuno natin."- ani ni taka na siyang nagdala kay nanami sa labas
Nang makaalis na silang tatlo ay namayani ang katahimikan sa buong paligid, Tanging ang kuliglig lang ang maririnig, at ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa akin na nakapagbibigay ng lamig sa buo kong katawan.
Mula sa kinatatayuan niya ay unti-unti siyang lumakad papunta sa direksiyon ko.
Seryoso ang kanyang mukha at maawtoridad ang kanyang awra na para bang ang lahat ng sumalungat sa kanya ay agad nyang tatapusinSobrang laki na ng pinagbago nya.
Nang makalapit ay lumuhod siya upang mapantayan ako bago nya inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang hawakan ng silyang kinatatalian ko ngayon.
"Bakit mo ako tinawag sa ganoong pangalan"aniya sa hindi patanong na tono.
Natigilan ako.
A-ayaw nya bang tawagin ko siya sa kanyang pangalan? labis-labis na ba talaga ang galit nya para sakin?
Mukang nasagot na ang lahat ng katanungan ko ng makita ang malalamig nyang mga mata
wala itong kahit na anong bahid ng emosyon.mukang galit nga siya sakin, at hindi ko batid kung mapapatawad nya ba ako.. pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko!
"Patawad..."- yan lang ang tangi kong nasambit
Bigla naman tumaas ang isa nyang kilay sa naging tugon ko
"Bakit ka nahingi ng tawad?"
Hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isipan ni toshi pero, may kakaiba akong pakiramdam.
"Patawad sa lahat ng kung ano mang nagawa ko, hindi ko sinasadyang saktan ka.. kung may nagawa man akong mali na ikinagalit mo, sabihin mo sakin, itatama ko ang lahat ng iyon!
patawarin mo lamang ako."Tanging pagkunot lang ng noo ang kanyang ginawa matapos marinig ang mga sinabi ko.
Para bang ngayon lang niya ito nalaman, at parang hindi niya mapagtanto kung ano ang mga sinasabi ko base sa naging reaksyon niya."May nangyari ba sa iyo ng mga nakaraang linggo? bakit wala kang sinasabi tungkol sa nangyari ng araw na iyon? Nakalimutan mo na ba??"- ani ko
posible bang makalimutan niya ang mga nangyari ng araw na iyon ng ganoon kadali?
"Nangyari? Wala akong natatandaang pangyayari na kasama ka. At Paumanhin ngunit, ngayon lamang kita nakita."- aniya sa seryosong tono
ni hindi man lang niya inisip na masasaktan ako sa sinabi nyabakit ka ganyan, Toshi?
kinalimutan mo na ba talaga ako?
kinalimutan mo na ba ang pagiging magkaibigan natin??Napayuko na lamang ako, hindi ko na siya maharap.
Ano pa bang sasabihin ko?
siguro ay nagbabagong buhay na ang lalaking ito kaya't gayun na lamang kung ituring nya akong ibang tao!"Anong pangalan mo" ani niya
"Kyra...."- ani ko sa walang buhay na tono
"Kyra, Ako si Yoshi....
Ang kakambal ni Toshi"-aniya na ikinagulat ko ng husto
Nanlalaking matang napatingin ako sa kanya
K-kakambal??
~~~~~~~~~~~~~~~
Sa tahimik at may kadilimang kwarto, unti-unting bumukas ang mga mata ng lalaking matagal ng nakahimlay sa kanyang kama.
Halos ilang araw narin o linggo?
Agad itong tumayo at nagtungo sa kanyang veranda na bahagyang nakabukas at pumapasok roon ang malamig na simoy ng hangin.
Tumingala ang lalaki sa langit, nagbabakasakaling masulyapan ang malaki at maliwanag na buwan ngunit wala itong nakita. Tanging maitim na ulap lamang ang kaniyang napuna.
Muli ay bumalik siya sa loob upang magpalit ng kasuotan.
Ipinatawag ng lalaki ang mga kawal at inutusan ang mga ito na sabihin ang mga nagyari sa mga nakaraang araw ng siya ay nahihimlay/nagbabawi ng lakas.
sumagot ang isang kawal
"Kamahalan, Maayos ang lahat sa buong palasyo. hindi parin nakakababalik ang berdeng dragon at ang inyong mahal na reyna, Ngunit ang babaeng huwad ay nakatakas sa kaniyang silid. Ipahahanap ko po ba siya aking kamahalan?"- anito sa magalang na tono.
"Hindi na."
"Masusunod."
Hindi na nagsalita pa ang lalaking tinawag na kamahalan, pinaalis na niya ang mga kawal at nagtungo siya sa may balustre.
Mula sa may balustre, lumipad ang isang uwak at dumapo iyon sa nakalahad na kamay ng lalaki.
May ibinulong ito sa uwak bago nya itaas ang kamay dahilan ng paglipad ng uwak paalis sa kamay nito.
"Find them, find my Queen.."-bulong ng lalaki sa uwak na papalayo na.
.....................
Yui
"Hindi ka ba naiinip dito?"- ani ko sa kanya habang walang ganang nakaupo sa kama sa silid ng kwarto nya.
Nagsalin lang ito ng alak sa kanyang kopita bago ako harapin
"Why would I be impatient if
i have so many things to do?."- Yurie bago sumimsim sa kanyang kopita.Umikot naman ang paningin ko sa buong kwarto, nililibang ang sarili sa mga furniture na nandito, i actually felt bored in his room, gusto ko ng lumabas at maggagala sa buong kastilyo, gusto ko ring makalanghap ng satiwang hangin!
but ugh! hindi man lang ako pinaunlakan ng lalaking ito!
Delikado daw sa labas ng kastilyo, marami daw nagkalat na mga nilalang na maari akong saktan kaya mas mabuting magstay nalang daw ako sa kwarto nya!
Tss! Kung hindi palagay ang loob ko sa Yurie nato iisipin kong may pinaplano to na masama sakin ngayon!Naagaw ang atensiyon namin ng may marinig kaming katok.
"Ginoong Yurie, pinatatawag po kayo ng kamahalan"- ani ng kumatokAgad namang ibinaba ni Yurie ang hawak na kopita bago lumapit sakin,
kinuha nya ang kamay ko bago iyon dinala sa kanyang mga labi, Namula tuloy ako."I'll be back, milady."- anito bago umalis at sumunod sa kawal.
Napaisip ako.
Kung ganoon ay gising na siya?
Agad akong napahawak sa aking labi at dinama iyon.
Ang kanyang malambot na labi at ang sarap ng halik nya...Agad akong dumapa sa kama at duon ibinuhos ang kilig na aking nararamdaman!
kamahalan...
.................
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...