Someone's POV
Nakaupo ako ngayon sa railings ng Balkonahe ni kamahalan.
Tapos na ang trabaho ko kaya naman eto ako at namamahinga..Napatingin ako sa isang kawal na kakapasok lang at halatang nanginginig na sa takot.
Bahagya itong yumuko kay kamahalan bago nagsalita.
"M-mahal na hari, p-patawarin nyo po ako sapagka't mali ang dinala ko sa inyong babae... h-hindi ko po alam na huwad ang babaeng iyon!, P-pakiusap patawarin nyo ako!!"- pagmamakaawa nito.
Napailing-iling nalang ako sa ginagawa nya..
Kahit na ano pang klaseng pagmamakaawa nya ay hindi sya pakikinggan ng hari.
kilala ko ang kamahalan,
Hindi sya tumatanggap ng mga pagkabigo, kaya sigurado akong hindi na sya sisikatan pa ng araw.Agad akong tumayo sa kinauupuan at lumapit sa tabi ni kamahalan.
"Green dragon, you know what to do."- ani nya bago naglakad papunta sa kanyang trono.
"Yes my king"-sagot ko
(Smirk)
Nagpalabas na ako ng berdeng usok at gumapang iyon papunta sa kawal na ngayon ay patuloy parin sa pagmamakaawa.
Nang tuluyan ng makalapit ang usok ko sa kanya ay agad nitong tinunaw ang lalaki.
Napasigaw pa ito sa sakit ngunit panandalian lang iyon dahil likido na ito ngayon.I smiled....
___________________________
Kyra's POV
"Oo, at tandang-tanda ko pa kung paano nila pinatay ang mga magulang ko"
Nagulat ako sa ibinunyag nya.
Napayuko nalang ako at nagsisisi na sana ay hindi ko nalang iyon sinabi.
I guess, i hit the most painful part of his past and i really regret what i say.
Ang daldal mo talaga kyra!!
"I'm sorry"- mahinang sambit ko.
napabaling sya sa akin at kinunutan ako ng noo.
Nasapo ko ang sariling noo ng
bigla kong naalala na pure tagalog nga pala sila!"Ahh, ibig kong sabihin, Patawad....
patawad dahil nabanggit ko pa ang tungkol doon at alam kong,
masakit parin iyon para sayo!
pero hindi ko talaga sinasadya, nabanggit lang din sakin ni lola jirika yun at.... gusto ko sanang, may mapag-usapan tayo....kasi... hindi ako sanay na tahimik ang paligid ko.....
pero kung ayaw mo naman makipag-usap! okey lang din yun dahil inaantok narin naman ako!
Sige tutulog na ako!"akmang aalis na sana ako ng bigla nyang hablutin ang kamay ko dahilan ng pagkabagsak ko sa kanya.
(Bogssh!)
Pareho kaming natumba sa lupa at walang sino man ang nakagalaw.
Nakapaibabaw ako at nadadaganan ko sya pero hindi man lang nya iyon ininda bagkus ay nakatitig lamang sya ng diretso sa mukha ko.Hindi ko rin mapigilan na mapatitig sa gwapo nyang mukha,
dahil sa may kalapitan ang mukha namin sa isa't-isa.Malaya kong napagmamasdan ang ngayo'y maaliwalas nyang mukha dahil narin sa tulong ng sinag ng buwan..
Dumako ang paningin ko sa mapupungay na mga mata nya.Kita ko ang halo-halong emosyon doon.
Poot, galit, kalungkutan, pangungulila, pagka-mangha at mayroon pang ibang emosyon na hindi ako pamilyar."Gusto ko......"- sambit nya sa mahina at namamaos na boses.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...