🖤 Chapter 18🖤

32 6 0
                                    

(Hiino picture ☝️☝️)

Kyra's POV

Nanatili parin akong nakatayo sa likod ni Yuki-oona at nakaharang kay Jeiha.

Hindi ko lubos maisip na kahit na sa ganitong kaganda at walang kalaban-laban na babae ay sasaktan nya..
Hindi na siya natuto! Sumosobra na sya!

"Jeiha ibaba mo na ang iyong sandata,
hindi mo ba nakikita? wala siyang laban sayo.. is lamang siyang pangkaraniwang babae...
Pakiusap... Jeiha." - nagmamakaawang sambit ko

Hindi nya parin binibitawan ang kanyang tungkod na may patalim at nananatili lamang itong nasa ere.

Rumiin rin ang kanyang titig kay Yuki-oona na nasa likod ko.

"Kyra, tumabi ka.. Hindi mo lubos na nakikita ang kanyang kaanyuan kaya mo nasasabi ang mga bagay na iyan, Ngunit nakikita ko ang isang halimaw na nakatayo sa likuran mo...
At kung patuloy mo akong pipigilan sa aking nais na pagpaslang sa halimaw na iyan ay lahat tayo dito mamamatay!" - malakas na ani ni jeiha bago ako marahas na itinulak at sa isang iglap lang nahati sa dalawa ang katawan ni yuki-oona

"Yuki-oona!!!!" -malakas na sigaw ko ng tuluyan na siyang matumba sa sahig

"J-jeiha p-paano nagawa iyon----

"Bago mo ako husgahan, tingnan mo muna ang kanyang tunay na anyo.."

Sinunod ko ang sinabi nya, tiningnan ko ang nahating katawan ni yuki-oona at mula sa kanyang magandang mukha ay napalitan iyon ng kahindik-hindik na itsura pati ang kanyang itim na buhok ay kumapal at ang kalahati ng kanyang katawan ay humaba at naging parang sa ahas..

"Ngayon nakita mo na ang kanyang totoong anyo mahal na reyna.. Noong una palang ay nililinlang ka na nya gamit ang huwad na anyo, hindi mo iyon na pansin dahil isa kang mortal...
At kung nagkataong nasagot mo ang kanyang bugtong ay matutupad iyon ngunit ang kapalit naman ay ang dahan-dahan nitong paglamon sa iyong buong katawan hanggang sa ika'y bawian ng buhay.."- linya ni jeiha bago dahan-dahang lumapit sa akin.

mukang tama nga si jeiha.. dapat nung una palamg ay nakinig na ako sa kanya.. hindi ko dapat siya pinagdudahan...

Napatingin muli ako kay Yuki-oona.. Nakita ko ang unti-unting pagliwanag ng katawan nito

"Umalis na tayo, kyra.."- ani ni jeiha at humakbang papaalis ng pinigilan ko siya

"Sandali jeiha" - ani ko na ikinalingon nya sakin, itinuro ko naman ang katawan ni yuki-oona na ngayon ay nagliliwanag na

Agad na inihandan ni jeiha ang kanyang tungkod na may patalim ngunit pinigilan ko siya

Mula sa nagliliwanag na katawan ni Yuki-onna ay lumabas ang napakaraming kaluluwa ng tao..

Nakangiti silang pumupunta sa itaas ng kweba at tumatagos dito..
Napakadami nila..

"Ang mga kaluluwang kanyang kinitil, ngayon ay malaya na.., At nagpapasalamat sila."- ani jeiha.

Sa pinaka-huling kaluluwa ay lumabas ang isang napakagandang babae na nakasuot ng kulay rosas na damit.

Nakangiti syang lumapit sa akin at hinalikan ang aking pisngi..

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa ginawa nya at may isang bagay rin akong napagtanto..

"ikaw...."

Ngmiti siya bago sumagot
"Pagpasensyahan mo na ang aking kapusukan, nadala lang ako sa iyong kagandahan.. kyra.."- aniya.

at dahil sa sinabi nya nakumpirma ko na..

The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon