(Yuki-oona picture 👆👆)Jeiha's POV
"Ahh, matanong ko lang, kasintahan mo ba si kyra?" -tanong nya.
Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Kanina nya pa ako pinapa-ulanan ng sang katerbang mga tanong na wala namang katuturan.at makailang ulit na rin akong naririndi sa kanya, Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga babaeng maiingay, nakakairita sila!
Liban nalang sa mahal na Reyna, kahit pa lagi nya akong tanungin ng mga walang kasaysayang tanong ay buong puso ko syang sasagutin.
Halos nasa kalahati pa lamang kami ng daang sinasabi nya at halos mawalan na ako ng pandinig dahil sa samu't-saring tanong at kwento nya
"Alam mo ang swerte nya,
May isang nobyo siyang matipuno
, makisig at gwapo na handang siyang iligtas kahit na napakapanganib ng kahaharapin nito."Yung totoo, Saan ba siya ipinaglihi ng kanyang ina??
isa pang salitang lumabas sa bibig nya at hindi ko na talaga mapipigilan pa ang aking sarili!
"Alam mo, sana makatagpo rin ako ng lalaking magmamahal sa akin gaya ng pag-----
"Tumahimik kana!!"- bulyaw ko
Hindi na ako nakapagtimpi pa at nailabas ko na ang aking inis.
Kasalanan nya dahil napaka mandhid nya, alam nyang hindi ko siya pinapakinggan ngunit patuloy parin siya sa pagsasalita!Nabahiran ng takot ang kanyang kulay lupang mga mata, Bakas dito ang pagkagulat at ano mang oras ay tutulo na ang mga luha nya.
Kaasarr!!
Pangalawang ayoko rin sa lahat ay ang makakita ng babaeng umiiyak!
Agad akong lumihis ng tingin sa kanya , at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.
Nakakailang hakbang palamang ako ng marinig ko ang malakas nyang iyak
Tsk!
"Wahhhhhuhuhuh!!"
"Pwede ba tumigil kana sa kaiiyak mo dyan? Para kang bata!"- ani ko na lalong nagpaiyak pa sa kanya.
Napasapo nalang ako sa aking noo at napahawak sa beywang.
tsk! dapat ay hindi ko nalang siya isinama! Pinagsisisihan ko talaga!!
Bumuntong hininga muna ako bago ko siya harapin at lapitan,
Lumuhod pa ako upang maging kapantay ko pa siya.Napatingin rin siya sa akin, mamula-mula na ang kanyang bilugan mata dahil sa pag-iyak
"Makinig kang mabuti, kung gusto mo talagang sumama sakin para iligtas si kyra, umayos ka..
Kung hindi ka aayos, iiwanan kita rito kasama ang mga gumagalang halimaw sa paligid, gusto mo ba iyon?"- mahinahon kong ani na kaagad nyang ikina-iling.Para akong isang magulang na sumasaway sa kanyang anak na ayaw sumunod, tsk!
"Kung gayon, tumayo ka na diyan at punasan mo ang mga luha mo bago tayo magpatuloy.."- ani ko pa na agad niyang sinunod.
Matapos niyang gawin yun ay nag-umpisa na uli kaming mag-lakbay papunta sa bundok kung saan naroroon si kyra.
Sana lang ay hindi pa huli ang lahat, na sana Naroroon parin siya sa kweba at hindi nya sana hilingin ang kahilingang tumatakbo ngayon sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...