Kyra's POV"Pakawalan mo, Ang kaibigan ko."- mahina ngunit mariing sambit ko.
Halos hindi ko narin marinig ang sariling boses, kakaibang tapang at lakas ng loob ang sa aki'y nasa loob.
Ang seryosong emperador ay hindi man lang nakaramdam ng kahit na kaunting takot bagkus, nakuha pa nitong ngumisi.
"magaling, tunay na akoy iyong napahanga kyra..
hindi lahat ng babae ay katulad mo, matapang at may kakaibang lakas ng loob.. ibaba mo na ang hawak mong patalim, dahil nakuha ko na ang gusto ko.. pakakawalan ko narin ang iyong kaibigan."- aniya.hindi ko alam kung anong bagay ang tinutukoy nyang nakuha nya pero natutuwa ako ng marinig na pakakawalan na nya si Toshi.
Bago iyon, may napagtanto akong isang bagay.
Hindi nya talaga gustong pakasalan ako,...
dahil sinusubok nya lang ako!
Siguro ginawa nya ito para mapatunayan ang isang bagay..bagay na hindi ko alam.
Pero napatunayan ko iyon sa kanya at lubos nya iyong ikinatuwa!
Simula palang talaga ay ramdam ko ng hindi sya masamang tao... siguro napakadali ko lang talagang manghusga..at, pinagsisisihan kong tinawag ko syang walang puso kahit na sa isip ko lang iyon.
Isa syang mabuting emperador na kahit na ginamit nya lang kami para mapatunayan ang isang bagay ay hindi nya parin tinapos ang buhay ni Toshi para lang makuha iyon.
Isa kang tunay na emperador, Natoki.
__________________
Natoki's POV
Unang kita ko palang sa kanya, naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdam.
Pakiramdam na kailangan ko syang irespeto dahil mas nakakataas sya akin.
Pakiramdam na sya na ang matagal ng hinahanap ng hari ng mga dragon.
Ang haring syang tinitingala't nirerespeto ko.Ngunit kahit na naramdaman ko ang bagay na ito.. kailangan kong makasigurado, hindi imposibleng huwad ang babaeng ito.
"Tapos ka na bang pagmasdan ang aking kagandahan, binibini?"
"Kanina pa po ako tapos, mahal na emperador"- sambit nya at ngumiti ng huwad.
Masasabi kong magaan na agad ang pakiramdam ko sa kanya ngunit hindi ibig sabihin noon na hindi ko na itutuloy ang ipli-nano ko."Ahahaha, nakakatuwa ka namang binibini! Anong iyong ngalan?"
"Kyra.."- maikling sambit nya.
Isang napakagandang ngalan para sa isang napakagandang binibini.
Nagpahanda ako ng isang malaking piging para sa pagdating ng reyna.
Isa itong pagbati para sa magiging reyna ng mga dragon.Habang sumisimsim ako sa aking gintong kopita ay naramdaman ko ang mariing pagtitig ng reyna.
kaya't hinarap ko sya at tinanong."Nais ko lang pong malaman kung ano pong totoong balak nyo.. bakit kayo nagpahanda ng piging? hindi bat isa kami sa mga bihag nyo? isa kaming kriminal sa paningin nyo, bakit nyo kami hinayaang makawala at ang malala pa ay pinaghanda pa ng isang malaking piging?
Hindi bat nakakapag-taka?
Pero.... Sigurado po ako sa kutob ko na may binabalak kayo kaya nyo ginagawa ang mga bagay na ito..."
- mahabang linya nya at mariin akong tinitigan.Kakaibang babae... may lakas ng loob at tapang na hindi makikita sa ibang mga normal na babae.
kahanga-hanga...Isa nga talaga syang tunay at karapat dapat na maging reyna.
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...