Kyra's POV
Tatlong araw nang nakararaan mula ng magsimula kaming mag lakbay ni toshi.
At Worth it naman dahil tanaw kona sa malayo ang bayan ng shojuk, mas malaki ito kumpara sa bayan ng Sona at mukang mas maunlad din ang mga tao rito..
Umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan ng pagtayo ng balahibo ko.
Agad kong iniyakap ang sariling braso dahil sa lamig pero ang lamig na iyon ay agad na napawi ng may isang mainit na balabal ang lumapat sa balikat ko.
kayat napatingin ako kay toshi na syang naglagay ng balabal.Mayroon naring balabal na nakasuot sa kanya at seryoso lang itong nakatingin sa unahan..
Aba... mukang bumabait na sya ah!
"Wag kang mag-isip ng hindi kaaya-ayang isipin... ginagawa ko lamang kung ano ang iniutos sakin ni lola jirika."
hindi kaaya-aya?! muka bang pinag-sasamantalahan ko sya?!
hayyy... grabe sya mag-isip!"Hindi kita pinag-iisipan ng hindi kaaya-aya! Wag kang assuming!"
- inis kong sabi bago inunahan sya sa paglalakad.tss! napaka talaga ng lalaking yon!
"Assu---- Ano?!"
hayyyy ayan na naman sya sa pagiging bingi nya hahaha!
As if na sasabihin ko sa kanya kung ano ang assuming, magtiis sya dyan! hahaha! (evil laugh)Nakarating na kami sa boundary ng bayan ng shojuk at gaya ng inaasahan ko napakaraming tao ang syang nasa paligid.
Nasa parang pamilihan kami dahil sa ibat-ibang mga paninda ang nakalahad sa bawat madadaanan namin.
may mga tao ring nabili at ang iba ay may kanya-kanyang ginagawa..May mga batang naglalaro ng habulan at kung ano ano pang nilalaro nila.
Kahit na maaga pa ay ramdam na ramdam ko parin ang lamig sa buong paligid.
Kahit na nakasuot ako ng makapal na balabal na abot hanggang binti ko ay hindi parin sapat ang init niyon.Napansin siguro iyon ni Toshi kaya't hinila nya ako papunta sa isang sulok pero hindi pa man kami nakakarating ay nahagip na ng mata ko ang isang batang papatawid sa daan at may roon ding papalapit na mga taong naka suot ng baluti habang nakasakay sa kabayo...
Binawi ko ang kamay kay toshi at tumakbo sa direksyon ng bata
rinig ko pa ang pagtawag nya sakin pero hindi ko iyon pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglapit sa bata.
Nang naabot ko na sya ay hindi na ako nakaalis sa pwesto ko kaya niyakap ko nalang ang bata at isinangga ang likod ko para hindi masaktan ang bata.
(Neighhhhh!!!!)
Narinig ko ang mga pagsigaw at pagtigil ng mga kabayo.
Ngunit nananatili parin akong nakayakap sa bata at hindi man lang nagawang lumingon..
"Ayos ka lang ba?"- tanong ko sa bata
Agad naman itong tumango bago ngumiti.
Nakahinga ako ng maluwag..
Muntik na talaga yun!
hayyyy buti nalang!"At sino ka namang pangahas na humarang sa daan ng Emperador?!
hindi mo ba alam na isang malaking kapahangasan ang pagharang sa daan ng emperador Natoki!? Ipakita mo ang iyong mukha! pangahas!"- sigaw ng kung sino
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantastikSimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...