(Jeiha's picture 👆👆)
Kyra's POV
Habang nasadaan kami patungo sa bayan ng shinwo bigla akong nakaramdam ng parang kakaiba.
Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari..
Tumingin ako kay Toshi na tahimik na nakamasid lang sa paligid.
Nararamdaman nya rin kaya na parang may kakaiba?
o malalim lang ang iniisip nya??Hindi ko nalang sya pinansin at idinako ang tingin sa unahan, ngunit nabigla ako ng makita ang isang malaking nilalang na sumulpot sa unahan ng sinasakyan naming karwahe
Biglang tumigil ang karwahe at dali-daling bumaba at tumakbo ang kutsero.
"Jusko po!! Halimaw!!!"- ani nito habang mabilis na tumakbo paalis.
Hindi naman ako makagalaw dahil sa takot..
A-a-anong nilalang.....
ang nasa harapan namin ngayon??
"Talon!!"
bigla akong itinulak ni Toshi palabas sa karwahe at agad rin syang sumunod.
Nakita ko nalang na nawasak na agad sa isang iglap ang sinasakyan namin dahil sa paghampas ng halimaw dito.
kung hindi siguro kami nakalabas ni Toshi sa karwaheng iyon ay malamang na nadurog na kami kasabay ng karwaheng iyon.
"Kyra takbo!!"
kahit hindi man sakin sabihin ni toshi ay mabilis na akong tumakbo kaya't sumunod rin sya at ngayon ay hinahabol na kami ng halimaw na iyon.
Tumakbo kami papuntang kagubatan, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ay makalayo lang sa halimaw na iyan.
"kyra bilisan mo, maaabutan na niya tayo!!"- ani ni toshi na ngayon ay nauuna na sakin ng kaunti
tss! porket mahahaba ang mga binti mo!
mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.
bigla akong napalingon sa likod at napahinto..
hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatigil lang.
Napalunnok ako ng makita ang kabouan ng halimaw.
Napakalaki nito, may kulay asul na mga balat, may matilos at mahabang kuko at pangil..
mayroon din itong mahabang buntot at dalawang sungay."Kyra, Umilag ka!!"-tawag ni Toshi ngunit kahit na gustuhin ko mang umilag ay hindi ko na maigalaw pa ang mga paa ko.
Parang nakadikit na ito sa lupang kinatatayuan ko.Habang unti-unting lumalapit sakin ang malaking kamao ng halimaw ay unti-unti rin akong nawawalan ng pag-asa.
Wala na akong nagawa kundi ang ipikit ang mga mata.
hanggang dito nalang ba? hindi ko na ba mahahanap ang kaibigan ko?
dito na ba ako sa mundong ito mamamatay??Yui........
"Yui!!!!!!!!!"
~swish!~
"Roarrrrrrrrr!"
habang nakapikit ang aking mga mata naramdaman ko ang pagyakap ng kung sino sa aking unahan...
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...