Kyra's POV
Ilang minuto na akong nakatayo at hindi pa bumabalik si jeiha mula ng iwan nya ko.
Ang sabi nya ay may kailangan lang syang tingnan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik..I'm worried for him.., what if something happened to him? and worse he couldn't ask help cuz he's in danger!
But, I can't leave this place.. i promise to him..and couldn't do anything but to stay and wait for him to come back!
Jeiha nasan ka naba?....
Jeiha's POV
Sandali ko munang iniwanan si kyra sa may kakahuyan kung saan sinigurado ko muna na walang mababangis na hayop ang nandoon.
mula pa kanina ay may presensya na akong nararamdaman..
Mapanganib at may dalang maitim na aura.
Pamilyar sa akin ang presensya na iyon kaya't hindi na ako mahihirapang matukoy kung kaninong presensya ang naramdaman ko.Sa isang malaking puno ay bumaba ako upang magpalit ng anyo bilang isang tao.
Nang makapagpalit na ako ay saka ko ipinagpatuloy ang paghahanap sa taong iyon.Maya-maya pa ay nakita ko na ang hinahanap ko, matulin ang kanyang pagtakbo paalis sa kweba na siyang kinaroroonan namin ni kyra kanina.
Agad kong inutusan ang isang puno upang pahintuin siya.
Humaba ang mga ugat ng puno at pumunta iyon sa may paanan nya at saka ito hinigit paitaas.Isa pa sa mga kakayahan ko bilang isang maalamat na dragon ay ang kumontrol ng mga puno at halaman...
bukod dito ay ang aking paggamit ng armas na kusarigama na siya kong pangalwang kakayahan kung sakaling hindi ko magawang magpalabas ng kapangyarihan."Ahh! Bwesit! Lumabas ka pangahas, pakawalan mo ako dito!!"-pagpupumiglas niya
Agad naman akong lumabas at pumunta sa harapan niya na ikinagulat nya.
"J-jeiha----
"Anong dahilan mo at nagawa mo ang ganoong bagay?!"-putol ko sa sinabi nya
Bigla siyang namutla, dahil sa matinding takot
Ang ginawa ng lapastangang babaeng ito ay walang kapatawaran!
Ng dahil sa kanya muntik nang mawala ang reyna!
Inilagay nya sa panganib ang buhay ni kyra, kaya't ang parusa doon ay kamatayan!"j-jeiha hindi ko ninais iyon! Napag-utusan lamang ako at kailangan kong gawin ang bagay na iyon upang hindi nya saktan sila ina at ama! patawad! Patawarin mo ako!!"- aniya
Nakita ko ang ilang butil ng luha na ngayon ay pumapatak na sa lupa..
Dumiin ang titig ko sa kanya.
Hindi mo na ako maiisahan sa pagkakataong ito!
"Sinungaling ka!"
agad kong itinutok sa kanyang leeg ang aking kusarigama na agad naman niyang ikinagulat at ni hindi na makagalaw.
Ngunit agad na nagbago ang kanyang emosyon, napalitan ito ng malademonyong ngisi at mga matang nanlilisik.
"Heh... Sige ituloy mo "- walang takot na aniya sa malamig na tono
Hindi ako natatakot sa kanya bagkus ay nagtataka ako kung saan siya kumukuha ng ganitong lakas..
Alam kong isa lamang siyang mortal at maaaring ang sinasabi nyang nag-utos sa kaniya na patayin kami ni kyra ay hindi pangkaraniwan."Sabihin mo, Sino ang pinaglilingkuran mo?"
"tsk, tsk, tsk... Alam mo, gusto pa naman kita ngunit sinasayang mo lang ang buhay mo sa isang babaeng ang turing sayo ay isang kawal
Kung papakawalan mo ako dito, mamahalin kita at magiging masaya tayo, ano sa tingin mo?"- aniya
BINABASA MO ANG
The Dark Dragon's Eternal Love ( Ongoing )
FantasySimpleng babae lang si Kyra Fugumura. Nagsimula ang lahat ng pumunta sila sa isang lugar upang magsagawa ng Tree Planting. Kasama ang matalik na kaibigang si Yuika Komori natagpuan nila ang isang kakaibang nilalang. Dahil sa kuryosidad, sinundan nil...