Chapter 46
Hindi talaga ako makapaniwalang andito na uli si Elmo. Expected ko kasi talaga next next week pa ang balik niya. Aba malay ko bang ngayon pala?! Gago din to eh. Di man lang nagsasabi. Pero sabi niya nga, wala na daw yung element of surprise kung sasabihin niya. May point naman. Sige na nga! Pagbigyan na.
"Kamusta naman dun? Bilis mong umuwi di ka ba pinigilan ng mommy mo?" tanong ko.
Andito kaming tatlo nila Elmo at Maqui sa Mitz. Namiss daw kasi ni Moe ang beef pares kaya pinagbigyan na namin ni Maq.
"Well, she wanted me to stay a little longer pero dad convinced her na namimiss na talaga kita." sagot niya sabay kindat sa akin.
"Elmo may tanong ako." ani Maq.
"Yeah?"
"Mali-mali ka ba? Epileptic? Mga ganun?" tanong niya. Halata sa mukha ni Elmo ang pagtataka kaya natawa ako.
"What's mali-mali?"
"Ay shet. Bobo pa din pala to? Bes ha? Yang jowa mo akala ko naturuan mo na. Kulang pa sa knowledge!" reklamo ni Maqui bago siya humarap kay Elmo. "Mali-mali. Ibig sabihin yung parang may involuntary movements yang part ng body mo. Yung iba yung parang lingon nang lingon. Tas yung iba parang ikaw. Kindat nang kindat. Mali-mali ka no?!"
"Maqui!" saway ko pero sa totoo lang ay natatawa na ko sa kanya.
"Uhm... H-hindi no!" defensive na sambit ni Elmo. "You're so judgemental, Farr."
"Sakto lang, Magalona." ngisi ni Maqui.
Pagkatapos kumain ay hinatid na namin si Maq sa bahay nila at pagkatapos ay umuwi kami sa condo nila Elmo. Nakataxi lang kami kasi nga hindi naman niya iniwan ang sasakyan niya sa airport.
"Glad to be home!" aniya saka sumalampak sa sofa. Natawa naman ako sa itsura niya. Para kasing batang humiga sa malaking marshmallow. Pinagpag niya ang space sa tabi niya kaya sumunod ako at umupo dun. Agad niya naman akong niyakap at hinalikan pa sa sintido. "I missed you." bulong niya.
"Kanina mo pa nga sinasabi yan eh." hagikgik ko. "Di ka ba napapagod?" asar ko pa.
"When it comes to you, I'm always full of energy. Basta ikaw, baby." banat pa niya. Agad naman siyang nakatikim ng kurot sa tagiliran pero tinawanan niya lang ako. "And I missed that. Yung pagiging brutal ng baby ko."
"Ewan ko sayo." irap ko. Tumawa lang naman siya saka pa sinandal ang ulo sa ulo ko.
"Hey. You told me you have a surprise for me. Asan na?" tanong niya. Natawa ako sa pagkaeager niya.
"Grabe ka naman! Atat ka ba?" tanong ko. Tumango naman siya. "Wala. Di ko dala." sabi ko.
"Di mo dala? Damn." angal niya.
"Eh pano may nalalaman ka pang element of surprise diyan. Tapos magrereklamo ka?" biro ko.
"Sabi ko nga eh." tango niya. "Pero ano ba yun?" tanong niya uli.
"Secret! Surprise nga, hun. Uso abang?" natatawang sabi ko. Ngumuso naman siya kaya kinurot ko yung labi niya. Ang gwapo eh!!! Naiirita ko. Bawal talaga sa mundong ibabaw yang mga kagaya niyang nuknukan ng gwapo.
"Onga pala." aniya. Kinuha niya ang isang bag niya saka niya ito binuksan at may kinuha sa loob. "Here." sabi niya habang inaabot sa akin ang trophy niya.
"Wow! Champion nanaman pala ang boyfriend ko!" bulalas ko sabay kuha sa trophy at niyakap siya. "I'm so proud of you."
"Thanks, baby." aniya. Binalik ko na sa kanya ang trophy pero di niya ito tinanggap.
