36

4.6K 89 4
                                    

Chapter 36

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makababa ako sa sasakyan. Tinignan ko ang mga bungkos ng bulaklak na hawak niya at dun na bumuhos ang mga luha ko. "I-Ikaw ang nagdadala ng mga yan kay mama?"

"Anak..."

"Kapal ng mukha mo! Ngayon pa kung kailan wala na si mama?! Asan ka nung kailangan ka namin ha?! Andun sa babae mo! Tapos ngayon bibisitahin mo si mama? Para saan?! Para humingi ng tawad?! Huli ka na! Patay na si mama. At namatay siya nang dahil sa kapabayaan mo!" iyak ko.

Sa dinami-rami ng pwedeng mangyari. Bakit ito pa? Ganito ba talaga ang buhay? Matapos lahat ng saya ay napapalitan ng lungkot? Lungkot na kung pwede lang hilingin na mamatay ka na ay gagawin mo mawala lang lahat ng sakit sa puso mo?

"Julie, calm down..." narinig kong sabi ni Elmo saka pa niya ako kinulong sa mga bisig niya. "I-I'm sorry sir. But I guess it's best if you'll leave." pakiusap niya.

"I just wanna say I'm sorry, anak..."

"Hindi ko kailangan niyan. Ang kailangan ko mawala ka sa buhay namin!"

"Anak..." untag nanaman niya.

"Sir please po. Let's not make this any harder. I'm sorry..." ani Elmo.

"Mamatay ka ng demonyo ka!" sigaw ko uli habang pinapanuod ang pag-alis niya.

"Hey, hey. Shhh... Tama na okay? Tama na. He's gone..." Elmo cooed. Niyakap niya uli ako at hinalikan pa sa noo.

"Wala siyang karapatang dalawin si mama... Moe, bawal niyang dalawin si mama..." paulit-ulit na sambit ko.

"I know... Tahan na..." aniya habang hinahagod ang likod ko. "Tahan na okay?"

Umiiyak ako buong biyahe namin pabalik sa bahay. Nakakainis! Bakit ba kasi nagpakita pa yung taong yun eh.

"Oh. Anong nangyari?" alalang tanong ni Ninang Maricar nang salubungin niya kami ni Elmo.

"Uhm... We saw her dad." sagot ni Elmo. Halatang gulat si ninang sa nalaman kaya agad niya akong niyakap.

"Ayos ka lang ba, anak?" tanong niya. Umiling naman ako saka yumakap sa kanya at bumuhos nanaman ang mga luha ko. "Elmo, saan niyo siya nakita?" tanong niya.

"Sa Loyola po." sabi ni Elmo.

"Nasa puntod siya ni Elizabeth?" pagtataka niya. "Kung ganun, siya yung..." tumango ako at lalo lang yumakap sa kanya.

"Ninang, siya yung nagdadala lagi ng mga paboritong bulaklak ni mama... Bakit kailangan niya pang magpunta dun? Para saan? Huli na siya ninang. Sira na ang pamilya namin. Patay na si mama..." hagulgol ko.

"Alam ko... Tahan na. Wag ka ng umiyak."

"Ang kapal ng mukha niyang puntahan si mama. Wala talaga siyang konsensya. Matapos niyang saktan ng sobra-sobra si mama, pupuntahan niya na parang walang nangyari."

Hindi na nagsalita si ninang. Sa halip ay niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak.

"A-ate? B-bakit ka umiiyak?" napapitlag kaming tatlo nang magsalita si Harry. Mukhang galing siya sa labas dahil madungis ang mukha niya.

"Saan ka ba galing na bata ka ha?" tanong ni ninang. Kunyari ay walang nagyari. "Bakit ang dungis mo?"

"G-galing ako kanila M-Manang Debbie. Ninang, m-may cake saken si M-Manang Debbie!" nakangising sambit niya. Tumingin uli siya sa akin at muling napakunot ang noo. "N-ninang? B-bakit iyak si A-Ate Julie?"

Pinilit kong ngumiti saka nagpunas ng luha bago ko siya hinarap. Ayokong malaman ni Harry ang tungkol sa nangyari kanina. Dahil panigurado akong pipilitin niya akong makipagkita kami sa lalaking yun. Naiintindihan ko kung bakit hindi siya nakakaramdam ng galit. Dahil sa kakulangan niya sa pag-iisip, hindi niya pa alam ang mga bagay na ganito.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon