Chapter 56
"Usog dun bes." ani Maqui.
Andito ako sa kanila ngayon. Nagmumukmok dito sa kwarto niya. Ayoko muna sa bahay. Nahihiya ako kanila Ninang Maricar at Harry dahil nakikita nila akong nagkakaganito. Atleast kay Maqui sanay na siya sa madrama kong buhay.
"San ka ba kasi galing? Ilang araw kang wala dito." himutok ko.
"Paulit-ulit naman Julie Anne oh. Nasa bahay nga ako ni Kuya Earl dahil walang kasama si Ate Shane. Kaya lang naman ako nakauwi dahil dumating na yung nanay niya sa kanila eh." sagot niya. "Anyare na nga uli?"
"Wala na kami..." sabi ko. Ayan nanaman yang mga luhang yan. Nakakainis di pa maubos. May dam ba ko ng luha sa mata?!
"Bakit?" tanong niya. "Pota di ka uusog?!" iritang sambit niya pa. Umusog ako sa kama saka na siya humiga sa tabi ko at hinintay akong magkwento.
"Nakita ko sila ni Mina na naghahalikan. Ang sakit bes. Parang nangyari sa akin yung nangyari kay mama noon." iyak ko.
"Julie..."
"Mahal ko naman siya pero yan pa ang gagawin niya sa akin? Ano yun? Sa tuwing wala ako, si Mina ang nilalandi niya? Palabas lang lahat na mahal niya ako?!"
"Julie Anne ano ba..."
"Punyeta naman Maqui. Alam mo kung gaano ako katakot sumugal sa lintek na pag-ibig na yan! Alam mo kung paano ko siya takbuhan dahil ayokong mahulog ng tuluyan yung loob ko sa kanya pero ano?! Tangina naman! Ano bang ginawa ko para parusahan ako ng ganito?!" humagulgol na ako at wala namang nagawa si Maqui kundi ang yakapin ako.
"Diba ganyan sa pag-ibig? Dapat handa kang masaktan at magpakatanga kasi nagmahal ka eh." aniya.
"Akala ko handa ako, Maq eh. Hindi pala..." sabi ko saka sinubsob ang sarili ko sa kanya.
"Eww ka yung uhog mo naffeel ko sa damit ko." rinig ko sabi niya pero hinigpitan pa rin niya ang yakap sa akin. "Hay. Quota ka na talaga sa katangahan bes." singhap niya.
"Bakit? May limit ba ang pagiging tanga?" tanong ko. Natawa siya saka ako marahang sinabunutan.
"Gaga ka. Umiiyak ka na nga ganyan ka pa magsalita?! Saktan kita eh!"
"Ayoko. Masakit!" sabi ko.
"Sanay ka naman masaktan kaya kayang-kaya mo yan." aniya pa. "Pero bes, seryoso na tayo. Hindi mo ba siya pinag-explain?"
"Maqui, kita ng dalawang mata ko na hinahalikan niya si Mina. Hindi pa ba sapat na dahilan yun para makipaghiwalay ako?" tanong ko. "Kulang pa bang dahilan yun? Kasi para saken enough na yun para masabi kong hindi niya talaga ako mahal. Minahal siguro pero mahal? Baka hindi, Maq..."
"Paano kung set-up lang yun sa inyong dalawa?" tanong niya. Hindi ako kumibo at humiwalay sa yakap niya. Tumitig ako sa kisame at nag-isip. Paano nga kaya kung hindi ginusto ni Elmo ang mga nangyaring yun? Pero...
"Sinabihan niya ko ng masasakit na salita, Maq. Kung mahal niya ko kahit galit siya hindi siya magsasabi ng mga bagay na alam niyang hindi ko kayang gawin." sabi ko.
"Look, I'm not saying na balikan mo agad siya. Syempre you still have to hear him out. You love him diba? And you have to listen to him. Hindi sa lahat ng oras ay papairalin mo ang pride mo. Hindi pwedeng kapag galit ka, di ka makikinig sa kanya. Hear him out Julie. Because I can feel na hindi naman niya ginusto ang nangyaring yun at ang mga sinabi niya sayo."
"Wala na kami Maq. Past tense na lang kami." sabi ko.
Natawa siya saka humarap sa akin.
"Kahapon, nanuod kami ni Ate Shane ng movie. Yung English Only, Please? Sabi ni Derek dun, 'There are 2 kinds of exes: the one that you're going to get back and the one that's worth moving on.' Si Jennylyn, pinili niya ang magmove on. Hanggang sa nainlove siya kay Derek. Pero ikaw?" tanong niya. Hindi naman ako sumagot kaya suminghap siya at muling nagsalita. "Bes, alam ko hiwalay kayo ni Elmo ngayon. You may consider each other as exes but always remember, there are 2 kinds of exes Julie: the ex that you're going to get back and the ex that's worth moving on. Take your pick and choose wisely."