38

4.6K 90 6
                                    

Chapter 38

Monday na at araw na ng alis ni Elmo papuntang Thailand. Kahapon ay dito siya natulog dahil mamimiss daw niya ko. Hinayaan ko naman siya dahil ganun din naman ang nararamdaman ko. 1 week ko rin siyang di makikita. Medyo nasanay na kasi akong palagi ko siyang kasama.

"Lungkot-lungkutan nanaman ang babae." napalingon ako kay Maqui at umarte naman siyang inosente.

"Ansabe mo?" tanong ko.

"Sabi ko ganda mo bes. Anmeron sa bintana? Music video ang peg? Teka magpplay ako ng kanta. Ano bang gusto mo?" asar niya. Binato ko naman siya ng unan at humagalpak lang siya sa tawa.

"Peste ka!" inis na sambit ko.

"Hahahaha. Namo! Wala pang 24 hours na wala si Elmo sa Pilipinas, ganyan ka na. Eh paano pa kung umalis na sila papuntang LA? Baka magpakamatay ka na. Hahahaha."

"Masama na bang mamiss boyfriend ko?"

"Julie, ang pagkakamiss sa isang tao, parang kapag nawawala lang sila. Kailangan palipasin mo muna ng isang araw bago mo hanapin. Ganun yun bes. Di yung wala pang ilang oras, tila isang taon ng nawawala yung tao."

"Eh bakit ba? Eh sa namimiss ko nga." sabi ko naman.

"Ewan ko sayo. Pakibilis ang pag-iimpake. Para makalarga na tayo."

"Bakit? Ngayon na ba alis natin papuntang Quezon?" tanong ko. Tumango naman siya saka humiga sa kama ko. "Bakit napaaga? Akala ko bukas pa?"

"Eh bukas na birthday ni Vic diba? Gusto ko sana salubungin natin dun yung mismong birthday niya. Bumili nga ako ng sparklers kahapon sa Divi eh." masiglang sambit niya habang nilalaro ang stuffed toy na bigay ni Elmo.

"Sabagay. Tsaka diba may kasabihan yung matatanda na bawal magbiyahe kapag birthday mo mismo?"

"Yun. Isa pa yun. Panigurado kasi papagalitan tayo ni Apong Sila kapag nalaman niyang lumarga tayo sa mismong birthday ni Vic. Makukurot nanaman ako sa patilya. Sakit pa naman." sabi niya habang hinihimas ang patilya niya na parang ramdam ang kurot ni Lola Sila.

"Hahaha. Onga. Teka. Tatapusin ko na to. Commute ba tayo?" tanong ko.

"Duh?! Bes, mga tanong mo pang bobo na. Sure ka bang nakapasa ka sa LET?" irap niya.

"Judgemental mo talaga!" sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman siya at gumulong sa kama.

"Commute tayo malamang. Can't afford magrent ng kotse. Tsaka yung sasakyan ni Kuya Earl di naman niya ipapahiram. Wala din tayong driver. So dukha problems muna tayo." ngisi niya.

Natapos na akong mag-impake at nagpaalam na rin kami ni Maq kay ninang at Harry.

"A-ate, p-pasalubong ni Harry ha?" bilin ni Harry sa akin.

"Oo naman, Harry." sagot ko saka na humalik sa noo niya. "Wag kang pasaway kay ninang dito ha? Walang pasalubong kapag nakareceive ako ng text galing kay ninang na makulit ka."

"O-opo! P-promise di makulit si Harry." aniya. Tumango ako at niyakap niya uli ako.

"Harry, pag di ka binilan ni ate mo ng pasalubong, ako bahala sayo." kindat ni Maqui sa kanya. Tumawa naman si Harry at saka tumango.

"Ikaw talaga kaya lumulubos tong kapatid ko eh. Kagagawan mo din." sabi ko.

"Eh wag kang makielam. Mas close kami ng kapatid mo. Diba, Harryboy?" ani Maqui saka pa niyakap si Harry.

"O-opo! P-pero love din ni Harry si A-Ate Julie!"

"Odiba? Atleast may pampalubag-loob sayo, bes. Makuntento ka na."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon