Chapter 60
It's been 2 years at masasabi kong mas naging masaya kami ni Elmo this time. Maybe it's because we have a good relationship with our families again and also, mas naging matatag na kaming dalawa. Mina went back to LA after she talked to me. Nagsorry na siya and medyo napatawad ko naman na siya. Although inis pa din because of what she did pero wala na yun. It's all in the past. Si Joaquin naman? Ayun. May girlfriend na finally. And guess what? Tinulungan pa ni Elmo na mapalapit dun sa babae. And si Elmo, he quitted racing. Ever since his accident, natakot na siyang sumugal uli sa pagddrag racing. Sabi niya pa saken, it's illegal daw kasi. Natawa na lang ako because that's what I told him when we first met. Ngayon, he's a professional photographer at may sarili ng business. Maganda yung takbo ng business niya. And I know he enjoys it a lot. Actually, business partners na nga niya sina Gino at Kuya Earl. Si Maqui naman at Gino? Ayun. Wala pa ring progress. Torpe pa din sa isa't isa kahit minsan eh huli namang naglalandian sa isang tabi. And as for me? Papa's training me as his company's new VP. Pero nagtuturo pa rin ako. Sabi ko kasi teaching will always be my passion. Pumayag naman siya and supports me.
"Bes!" nagulat ako when I heard Maqui yelled my name.
"Ano? Problema mo?" iritang tanong ko.
"Ay gagang to. Bilisan mong kumilos! Malapit na kaya magstart yun exhibit ni Elmo. Bobo lang?" asar na sabi niya. "Kumilos ka na at yang mahabang buhok mo naaapakan ko na."
"Heh! Oo na maliligo na." sabi ko saka na nagtungo sa bathroom.
Mabilis lang akong natapos maligo. Lumabas ako at nakita si Maqui na ligayang-ligaya sa pagtetext. Humahagikgik pa ang gaga.
"Bes, anong susuotin ko?" tanong ko.
"Panty at bra. Malamang. Unless gusto mong let's get it on agad kayo edi okay na yung wala." wala sa sariling sabi niya. Binato ko siya ng unan at humagalpak lang naman siya sa tawa.
"Taena umayos ka nga!" sabi ko.
"Hahaha. Joke lang kasi!" aniya. "Maganda yung bagong dress na binili mo. Yung navy blue na dress mo. Yung open banda sa likod mo. Maganda yun bes."
"Di ba masyadong daring yun?" pagtataka ko.
"Gaga hindi. Maganda nga yun eh! Dali isuot mo. Uupakan kita!" singhal niya. Umirap na lang ako saka bumalik sa walk-in closet. "Wag mo kong iniirapan Julie Anne. Dudukutin ko yang mata mo gamit kutsarita sige!"
"Ewan ko sayo Maq. Katext mo lang si Gino eh." asar ko.
"Pakyu!"
"Love you too." halakhak ko saka na sinuot ang tinutukoy niyang dress. Sakto lang ang sukat nun sa akin. A-line dress siya na kulay blue at medyo open sa likod. Pero hindi siya backless. Abot rin siya hanggang sa taas ng tuhod ko. "Oh ano? Okay na to?"
"Teka. Patingin?" ani Maqui. Narinig ko siyang naglalakad papunta sa closet at nang makalapit sa akin ay pumalakpak siya. "Omg ang galing ko talaga! Odibaaaaa?! Sabi ko naman sayo bes bagay sayo to eh. Ikot ka nga!" aniya pa.
Umikot naman ako ng dahan-dahan at nakita lang si Maqui na nakangiti.
"I love it!! Okay. Pair mo yan dito!" sabi niya sabay kuha sa isang itim na box ng sapatos. Malapad ang ngisi niya sa akin habang inaabot sa akin ang kahon. 'Saint Laurent Paris' ang nakalagay sa takip nito.
"Maq, wag na yan. Exhibit ni Elmo ang punta natin. Hindi engrandeng okasyon." sabi ko.
"Julie Anne kahit minsan lang magkasense of style ka naman. Bagay to dyan sa damit mo! Dali na bes!" sabi niya at nilabas na ang black pumps na may ribbon accent sa likod. "Go." utos niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/28085180-288-k39785.jpg)