Chapter 6
Andito kami sa supermarket ngayon. Sweldo kasi kaya naisipan namin ni Maqui na sabay na maggrocery. Tsaka para hindi na din ako uutang kay Manang Debbie palagi. Nakakahiya na.
"Ate kasiiii!! S-sakay na H-Harry sa c-car!" pilit na sabi ni Harry sa akin.
"Harry hindi na nga pwede. Malaki ka na para dito oh. Tignan mo. Baka di tayo makaandar kapag sumakay ka dito." sabi ko naman.
"Harry, makinig ka na sa ate mo." sabi ni Maqui. "Di bale. Kapag yumaman si ate bibilan ka niyan ng kotse!"
"T-talaga?! Y-yung malaki! Y-yung sinasakyan ng madaming tao?" tanong niya.
"Oo! Si ate mo bahala dun!" sabi uli ni Maqui. Tinignan ko siya ng masama at natawa lang naman siya.
"Alam mo kunsintidora ka talaga eno? Kaya tuloy di na nakikinig saken tong kapatid ko dahil sa kagagawan mo eh." sabi ko.
"Sus. Julie, alam ko naman kasi na kaya mong yumaman. Makipagbati ka lang sa papa mo, instant mayaman na agad kayo eh. Mapapag-aral mo si Harry sa magandang school, hindi na kayo sa compound nila Manang Debbie nakatira, tsaka di ka na mamomroblema sa pang-araw-araw niyo."
"Maqui, ang mga taong nang-abandona, hindi na dapat yan pinapatawad." sabi ko. "Harry, wag na sabi ipilit sumakay sa cart. Malaki ka na nga kasi eh." saway ko kay Harry.
"Julie Anne, kahit bali-baligtarin mo ang mundo, tatay mo pa rin yan." sabi naman ni Maqui.
"A-ate, b-bili mo ko Royal. Yung malaki." ani Harry sabay abot ng malaking bote ng Royal sa akin.
"Sige. Pero wag puro matamis ang kunin mo ha? Mapapagalitan tayo ni ninang." paalala ko.
"Opo!" sagot niya saka na naglakad papunta sa aisle ng mga chichirya.
"Maqui, matagal ng wala ang tatay ko. Nang mamatay si mama, sinama ko na yung ala-ala ng tatay ko sa hukay. Kaya wala na kaming ama ni Harry."
"Julie Anne, wag ka masyadong mapride. Panlaba lang ni Ninang Maricar yan. Di mo dapat inuugali." sabi niya. "Tsaka alam mo, kahit naman ganyan yang tatay niyo dadating naman sa punto na kayo pa rin ang hahanapin niya. Kayo ang legal no! Mahal kayo nun."
"Kung mahal niya kami, hindi niya kami iiwan. Umpisa pa lang Maq, hindi na siya gagawa ng kalokohan. Wala namang ginawa si mama sa kanya kundi ang mahalin lang siya eh. Pero ano? Naghanap pa ng iba! At sa pokpok pa ha?! Pokpok!"
"Ang OA mo. Diba sabi mo secretary niya yun?"
"Pokpok na rin yun. Lahat ng kabit, pokpok. Alam na ngang pamilyado yung tao, makikiapid pa. Makati pa sila sa gabi!" inis na sabi ko.
"Wow te ha? Hugot na hugot lang?" natatawang sabi ni Maqui. "Pero bes, di mo ba naisip si Harry?" tanong niya.
Tumingin ako kay Harry na nakatayo sa may aisle ng snacks at nakatitig sa mga nandun. Naisip ko, kung hindi kami iniwan ni papa, siguro maayos na magsalita si Harry ngayon. Siguro normal na ang kilos niya. Siguro hindi siya niloloko ng mga tao. Kung hindi kami iniwan ni papa, baka buhay pa si mama. Siguro maganda ang buhay namin ni Harry. Baka natuloy akong mag-aral ng SpEd dahil kayang bayaran ni papa ang tuition sa UST. Pero hindi eh. Iba ang kapalaran namin. Iniwan kami. Pinagpalit kami sa isang babaeng inakit lang naman siya. Tapos ano? Ngayon yung babaeng yun ang mayaman at kaming legal na anak ang nagdudusa at nahihirapan. Yung mga anak nila dun ang hindi nakatikim ng sardinas samantalang kami ni Harry, madalas na yun ang kinakain. Hindi naman ako nagrereklamo. Alam ko namang yun lang ang kaya namin. At alam kong ayaw rin naman mangyari ni Ninang Maricar yun. Pero wala eh. Hindi naman mayaman si ninang. Hindi naman mayaman ang pamilya nila mama. Kaya nagtitiis kami sa kung anong meron. Ang mahalaga, magkasama kami ni Harry at napalaki kami ng maayos ni mama at ninang.