58

3.9K 106 12
                                    

Chapter 58

Nandito lang ako sa kwarto buong araw. Parang wala talaga ako sa mood na lumabas. Pagdating ko galing sa trabaho ay nagkukulong na agad ako dito. Ewan ko ba. Parang dito ko mas nahahanap yung sarili ko. Parang dito, walang mananakit saken.

Sabado ngayon at ngayon din ang race nila Elmo. Oo na. Wala na kami. Pero di niyo naman maaalis sa akin ang hindi siya maisip. Minsan nga naisip ko, bakit hindi kami nagkakasalubong sa daan? Bakit di ko man lang maramdaman na gusto niyang bumalik? Bakit parang ako na lang yung naghhold on? Mali bang umasa na magiging okay uli kami? Mali ba ang umasa na sana, isang araw, magkasalubong kami at malinawan sa lahat ng bagay? Mali ba ang maghangad na mahalin niya uli ako? Mali ba ang magmahal?

"Taray talaga naman ng babaeng to. Mantikin mong yayamanin ka pala bes?" nagulat ako sa nagsalita at pag-angat ng tingin ko ay nakita ko si Maqui na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Ngumiti siya sa akin saka lumapit. "Musta?"

"Okay naman..." sagot ko. "Pinipilit."

Tumango siya saka tumabi sa akin sa kama.

"Uhm... Nadalaw ka ata?"

"Malamang. Eh kahit saan ka pumunta nandun ako. Sabi ko nga kay Tito Juan, self-proclaimed ampon niya na ko. Ayun. Tinawanan lang ako ng tatay mo." kwento niya. Natawa na lang ako saka humiga rin sa kama. "Iniisip mo?"

"Siya?" tanong ko. Tumango siya saka pa humarap sa akin. "Oo. Palagi."

"Umaasa pa din?"

"Syempre. Mahal ko eh." sagot ko.

"Nagkausap pala kami ni Gino." bungad niya. Napalingon ako sa kanya at agad na nag-iba ang mood ko. "Oh. Wag kang excited. Di kami nag-usap ng tungkol sa amin. Nag-usap kami dahil sa inyo."

"Sa amin? Bakit?" pagtataka ko.

"Well, nagkausap sila ni Elmo one time. Actually, tinawagan siya ni Elmo nun eh. Madaling-araw daw. Elmo was crying sabi niya. Nagpapatulong kay Gino na makausap ka. Hindi naman alam ni Gino kung paano dahil nga ilang araw kang hindi pumasok sa school at walang may alam ng address mo maliban sa akin. So he asked me kung pwede ko daw ba siyang matulungan." kwento niya. "Bes, Elmo's been staying in your compound for the past weeks. Lagi siyang naghihintay dun. Nagbabaka sakaling dadating ka isang araw at makakausap ka niya. He wants to look for you pero he doesn't know where to start."

Hindi ko alam anong sasabihin ko. Umiyak lang ako dahil sa mga narinig ko.

"He wants you back pero he's losing hope dahil pakiramdam niya you're running away from him again. And he feels like this time, hindi ka na magpapahabol sa kanya."

"Maq..." hagulgol ko saka yumakap sa kanya.

Niyakap lang ako pabalik ni Maqui saka inalo.

"Do you want to talk to him? He gave Gino tickets to his race today. We could go if you want." she said. Tumango ako at nagpunas ng luha. "Osige na. Maligo ka na tapos aalis na tayo. Text ko lang si Gino."

Naligo na ako at nag-ayos. Pagkatapos nun ay bumaba na ako at naabutan ko sila Maqui at Gino na nag-uusap na sa sala.

"Oh. Anak, aalis daw kayo sabi ni Maqui." ani Ninang Maricar.

"O-opo."

"Osige. Magpaalam ka na lang sa papa mo. Andun sila ni Harry sa library." aniya. Tumango ako saka na naglakad patungong library.

"Pa?" sabi ko saka sumilip sa pinto.

"Anak... Mabuti lumabas ka na sa kwarto." aniya.

"Uhm... Pa, aalis po kami nila Maqui. Andyan po sila ni Gino sa sala."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon