Chapter 14
Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko kung paano kumain si Elmo. Para kasi siyang bata na mauubusan ng pagkain. Tatlong subo na punong-puno yung ginagawa niya bago niya nguyain yung pagkain tapos ang gusang pa kumain. May sauce sa pisngi tsaka kanin sa baba. Hahahahaha!
"Hala nabaliw na siya!" nagulat ako at napaangat ng tingin.
"Uy, Maq!"
"Ay wow. First time akong nakita te?" sarcastic na sabi niya. "Saan ka galing kanina aber? Sa pagkakatanda ko, Julie Anne ha? Pagkakatanda ko lang naman. Tayo ang sabay maglunch palagi eh. Bakit kanina, sina Ma'am Calderon ang kasabay ko?"
"Uhm..." hindi agad ako nakasagot. Oo nga pala. Di ko nasabi kay Maqui na sa Mitz ako kakain.
"Alam mo ba kung gaano ako ka-OP, Julie Anne?! Yung feeling na puro coordinators ang kasabay mong kumain tapos para akong sisintensyahan sa dami ng tanong nila! Grabe ka saken! Sa lahat ng kaibigan ko ikaw ang pinakatunay! Tunay na nang-iiwan sa ere!" reklamo niya. Binatukan ko naman siya saka pa ako tumawa. "Aray ko ha. Ikaw na tong nang-iwan ikaw pa may ganang manakit ha? Kakaiba ka talaga. Di ko alam kung sinto-sinto ka ba, mali-mali, epileptic, o ano eh. Patingin ka na kaya sa doctor?"
"Gaga!" sabi ko.
"Gaga ka rin!" sagot niya naman. "Ayos ka talaga eh. Di kita kinakaya." iiling-iling na sabi niya.
"Sorry na. Eh kasi sa Mitz ako kumain kanina." sabi ko.
"Oh tapos di ka nagyaya? Nakapagpares ka ako hindi?! Kahit text wala?! Hawkudyu?!"
"Kasi, Maq kasama ko si Elmo kanina."
"Ayun pala. Tangina mo din bes eno? Nung una may patakbo-takbo ala Temple Run ka pang nalalaman tapos nung kalaunan eh lalandi ka rin pala. Ayos ka talaga eh." iiling-iling na sabi niya habang nilalagay ang mga gamit sa bag niya. "Oh ano? Sasabay ka pauwi o may sundo ka?"
"Huh? Sasabay ako." sagot ko saka na kinuha ang bag ko.
"So magkasama kayong kumain kanina?" narinig kong tanong niya habang naglalakad na kami sa labas ng school.
"Oo." tipid na sagot ko. Nagtext kasi tong si Elmo. Hindi daw niya natiis, nagtake-out pa ang mokong ng pares.
"Eh diba mayaman yun?" tanong niya.
"Oo." tango ko saka binasa yung reply ni Elmo.
Elmo:
I think this is my favorite food na. I can eat this all day!
Me:
Wag masyado. Nakakataba yan. Hahahaha.
"Buti napapayag mong kumain sa carinderia."
"Oo." sagot ko uli. Nagreply uli si Elmo kaya napatawa ako.
Elmo:
Tataba? It's okay as long as when I get fat and round, ako lang ang magiging mundo mo. Bwahahahaha.
"Puta! Magkano ba bayad sa sagot mo?! Iccheque ko na para naman makakuha ako ng mahaba-habang sagot." narinig kong sabi ni Maqui. Napatingin ako sa kanya saka napataas ng isang kilay.
"Ansabe mo, Maq?" tanong ko. Umirap siya saka na nagsimulang maglakad uli. "Hoy, Maq!"
"Ewan ko sayo Julie Anne. Kahit anong tanong ko kanina oo lang ang sagot mo. Peste ka din eno?"
"Huh? Ano bang mga tinanong mo."
"Wala! Nagtanong kasi ako kung pwede ba kitang patayin sabi mo oo. Nagtanong din ako kung anong oras ka nakauwi kagabi sabi mo din oo. Nakakapunyeta ka sumagot ha?!"