Chapter 48
It's been a month simula nang mag-umpisa ang klase. Hindi naman masyadong hectic since di naman mabibigat ang subjects na tinuturo ko. I'm still a pre-school teacher after all.
"Punta ka uli sa kanila?" tanong sa akin ni Maqui nang magkita kami sa faculty.
"Oo. Alam mo namang everyday akong andun." sagot ko naman.
"Taray! Gusto mo lumipat ka na rin dun? Nakakahiya kasi sayo napapagod ka na ata umuwi sa inyo. Haha." asar niya. Umirap naman ako kaya nakatanggap ako ng matinding kurot sa kanya.
"Aray!!!"
"Makairap ka dukutin ko yang mata mo eh!" aniya.
"Eh ikaw naman kasi! Parang timang nanaman yang suggestions mo." sabi ko naman. "Art tutor ako ni Lexine okay? Kaya malamang dun ako palagi."
"Oo alam ko di ako tanga. Pero ikaw kasi trabaho at landi in one ka." tawa niya pa.
"Landi ka diyan?!"
"Oh bakit hindi?! Eh diba nga oras ng tutor mo kay Lexine 4-5 lang? Tapos anong oras ka umuuwi? 11 na ng gabi?! Edi wow, bes. Edi wow." aniya pa.
"Ewan ko sayo, Maq. Diyan ka na nga." sabi ko saka na kinuha ang gamit ko.
"Pikon! Hahaha." narinig kong tawa pa niya. Di ko na lang siya pinansin saka na lang bumalik sa classroom.
Bago na ang mga estudyante ko ngayon. Syempre since nursery teacher ako, hindi na sila Lexine ang mga estudyante ko. Si Maq na ang teacher nila dahil bukod sa prep ay kinder din ang tinuturuan niya.
"Okay kids, are you ready?" tanong ko sa mga estudyante ko. Science subject kami ngayon at ituturo ko sa kanila ang mga planeta.
Pinaskil ko na sa board ang picture ng mga planeta at isa-isang sinabi iyon at pinaliwanag pa. Tinatanong ko sa kanila ang kulay nun, kung ilan ang rings at kung anu-ano pa na siyang naenjoy naman nila.
Pagkatapos ng klase ko ay muli na kong bumalik sa faculty. Andun na rin si Maqui at nag-aayos na ng mga gamit niya. Inayos ko na rin ang sa akin at pagkatapos ay lumabas na kami.
"Susunduin ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami papunta sa gate.
"May training siya ngayon eh. So baka hindi." sagot ko.
"Training nanaman? Nako bes, nawawalan na ng oras sayo. Ipagpapalit ka sa kotse?! Anak ng!" aniya.
"Kanina ka pa Maq ha. Sasaktan kita!" banta ko. Humagalpak lang naman siya sa tawa saka na lang ako inakbayan.
"Joke lang! Ang sensitive mo. Buntis ka?" asar niya.
"Ulol. Meron ako ngayon." sagot ko naman. Umirap naman siya saka inayos ang bag sa balikat.
"Sus kaya pala eh. Time of the month pala ang gaga." bulong niya sa sarili.
"Narinig kita! Gaga ka rin!" sabi ko.
"Duh?! Mana kaya ako sayo." sabat niya naman. Tumawa na kaming dalawa saka pa nag-apir. "Hay naki. Ginutom ako bigla. Tara bes. Kain muna tayo."
Nagpunta na kami sa Mitz at saka na na umorder ng mga pagkain namin. Medyyo gutom kami ni Maq dahil di kami nakapaglunch kanina.
"Bakit naisipan pala ng ate ni Elmo na gawin kang tutor ng anak niya?"
"Eh kasi mahilig daw si Lexine magdrawing mga ganun. Kaya yun. Naisipan niya na ako na lang ang gawing tutor dun para kahit paano di na manibago si Lexine."
"Sabagay. Magaling nga kamay ng batang yun. Nung nagcheck ako ng papel niya, I was wowed eh." ngiti niya. "Teka. Yung tatay niya asan na?"
"Di ko alam eh. Di naman nagkkwento si Ate Ynna. Madalas kasi wala siya sa kanila kapag andun ako. Late na nakakauwi dahil sa trabaho." sagot ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/28085180-288-k39785.jpg)