40

4.5K 90 6
                                    

Chapter 40

"Okay na?" tanong nila Maq at Vic nang makasakay na uli ako sa bangka.

"Yeah. Nakausap ko na." nakangiting sambit ko.

"Sus. Napapala ng mga clingy yan eh. Mawalan lang ng kakarampot na signal naghihimutok na." irap ni Maqui.

"Maq naman eh..."

"Ipapaalala ko lang kasi sayo, Julie Anne na itong outing na to eh para sa ating tatlo. Sana pala sumama ka na lang sa Thailand kung di mo lang din pala matitiis di makausap yang si Elmo."

"Galit ka na niyan?" tanong ko.

"Hindi ako galit. Gusto ko lang naman sana na ibigay mo tong tatlong araw na to samen ni Vic. Mula nung nagkakilala kayo ni Elmo bihira na tayong magkita. Mabuti pa nga nung may pasok pa eh. Nakakasama pa kita. Eh ngayong bakasyon? Kung di pa aalis ng bansa si Elmo di mo pa ko maalala. Konting oras mo lang naman hinihingi ko di mo pa mabigay..."

Tumabi ako sa kanya sa bangka saka inangkla ang braso ko sa braso niya. Hindi niya naman ako tinitignan at si Vic naman ay nagkikibit-balikat lang.

"Wag ka na magtampo, Maq... Uy." untag ko. Di niya pa rin ako nililingon at nanatili lang ang paningin niya sa dagat. "Maqui naman eh..."

"Di ako nagtatampo. Alisin mo nga yang braso mo. Ang init-init sumisiksik ka saken. Ang daming bakanteng upuan oh." aniya.

"Di ako naniniwala. Nagtatampo ka eh. Sorry na Maq..."

Tumingin siya sa akin saka suminghap.

"Look, masaya akong may boyfriend ka na. Di ko ipagkakait sayo yung happiness mo. Pero sana naman wag mong kalimutan na may bestfriend ka. Pakiramdam ko kasi naaalala mo lang ako kapag wala si Elmo eh. Last option na lang ba ko sayo, bes?" kita sa mata niya ang lungkot. Umiling naman ako saka sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi naman Maq..."

"Pakiramdam ko lang kasi." sabi niya. "Sorry kung nag-inarte ako." dagdag pa niya.

"Gets naman kita eh. Sorry din kung feeling mo nawawalan na ko ng oras sayo."

"Masasanay din siguro ako. Ganun naman talaga diba? People come and go." sabi niya. Tumingin ako sa kanya saka siya niyakap.

"Maqui naman eh!"

"Ang drama mo, Frencheska. Dami mong satsat." tawa ni Vic.

"Victoria, moment ko to. Wag kang makiapid baka ihulog kita sa bangka." banta niya naman sa pinsan.

Tumawa na kaming tatlo dahil nagbalik na sa dating kalokohan si Maqui. Alam ko kahit paano masama loob niya sa akin. Di ko rin naman siya masisisi. Aminado naman akong nawalan na talaga ako ng oras sa kanya.

"Oh. Wag mong masyadong isipin mga sinabi ko Julie Anne. Inookray lang kita. Hahahaha." asar niya sa akin.

"Che! Gawain mo yan eh!" sabi ko. Tumango naman siya saka tumawa.

"Mabuti na yung papangunahan kita sa sama ng loob ko kaysa malaman mo sa huli. Atleast binibigyan pa kita ng chance na magbago diba?"

Nakarating na uli kami sa isla at nagsimula na agad kaming gumawa ng apoy ni Vic. Abala naman si Maqui sa paghahanda ng mga iihawin namin.

"Pagpasensyahan mo na si Maq ha? Alam mo namang topakin yang bestfriend mo." ani Vic.

"Ayos lang yun. Maganda nga yung prangka siya eh. Atleast diba? Alam ko yung mga mali ko."

"Haha. Sabagay. Alam mo naman si Maqui. Ikaw lang naman madalas kasama niyan. Tsaka mula nung kinasal si Kuya Earl palagi na lang siyang mag-isa sa kanila. Di naman ako pwede dun dahil masyadong malayo sa trabaho ko."

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon