28

4.7K 97 3
                                    

Chapter 28

Maganda ang naging gising ko kinabukasan. Siguro dahil na rin sa sobrang pagod ko kahapon sa kasal kaya para talaga akong patay sa pagtulog kagabi. Naalala ko. Magkausap pala kami ni Elmo nung madaling araw. Ano nga yung sinabi niya? Ah! Nagthank you pala si Ms. Magalona dahil daw binago ko siya. Nakakataba ng puso yun, sa totoo lang. Yung makita mo ang isang taong nagbago nang dahil sa impluwensya mo at yung pasalamatan ka ng pamilya niya? Ang sarap marinig nun. Pumapalakpak yung tenga ko dahil dun.

"A-ate! A-andyan na si K-Kuya E-Elmo po sa l-labas!" excited na sabi ni Harry nang tumabi siya sa akin sa kama. "A-ate, s-san ka galing k-kahapon? Iwan mo nanaman si H-Harry."

Niyakap ko siya saka hinalikan sa sintido bago ako bumangon ng tuluyan at nagtali ng buhok.

"Galing si ate sa kasal ni Kuya Earl. Di ko na nasabi sayo kasi busy na kami ni Ate Maqui." sabi ko. Tumango naman siya saka bumungisngis bago tumakbo palabas.

"K-Kuya Elmo andyan na si A-Ate Julie!" narinig kong bulalas ni Harry. Narinig ko pa nga ang tawanan at pag-aapir nila bago ako tuluyang lumabas ng kwarto para magpunta sa banyo.

"Good morning, Sungit!" bati ni Elmo.

"Morning." sagot ko naman. "Maliligo lang ako. Wait."

"Okiedokie." masayang sambit niya saka muling nagtuon ng pansin kay Harry na tinatanong nanaman siya ng mga bagay-bagay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay tumabi na ko sa kanila sa sofa. Nasa gitna namin si Harry at may pinapakita siyang mga drawings niya kay Elmo. Tuwang-tuwa naman si Elmo na nililipat ang bawat pahina ng sketch pad ni Harry.

"Ang galing mo naman magdrawing!" aniya sabay lipat uli.

"Yan ang talent ng mga special child. Magaling sila sa art." sabi ko. Tumango siya at muling naglipat ng page. Nagulat pa siya dahil kamukha niya ang nasa drawing ni Harry.

"Harry, kailan to?" tanong niya.

"N-nung hinatid mo si a-ate. Nung n-nagsabi ka kay N-Ninang Maricar na liligawan mo si ate, tapos tapos ako n-nagddrawing lang tapos naglaro ako ng k-kotse tapos ikaw salita-salita ka lang diyan. Tapos tapos sabi ni N-ninang ano... S-sabi ni ninang... Hahaha. A-ano nga yung s-sabi mo, ninang? N-nalimutan na ni Harry eh. Hahahaha!"

"Sabi ko basta wag niya saktan si Ate Julie, payag si ninang." sagot naman ni Ninang Maricar na siyang abala sa kusina.

"Y-yun! T-tandaan mo na Kuya Elmo?" tanong niya kay Elmo.

"Ah. Yeah. Naalala ko na. Galing mo talaga Harry!" ani Elmo saka pa ginulo ang buhok ni Harry. Tumawa lang naman ang kapatid ko saka na kinuha ang sketchpad niya.

"D-drawing ko uli i-ikaw. Tabi k-ka kay A-Ate Julie." sabi ni Harry habang umuupo sa lamesita.

Naramdaman kong lumapit pa lalo sa akin si Elmo at nilagay pa niya ang kamay sa balikat ko. Pumalakpak naman si Harry saka na nagsimulang gumuhit.

"Harry, mamaya na yan. Kakain ka na ng almusal oh." sabi ko sa kanya.

"Eeeeh... A-ate drawing k-ko muna kayo. W-wag kang g-galaw diyan." aniya saka pa hinawakan ang tuhod ko para di ako makatayo.

"Pero Harry..." sabi ko nanaman.

"Ayan n-nagulo na! Oh panget na d-drawing ni Harry! A-Ate Julie kasi eh!!!" iritang sambit niya. Kinabig naman ako ni Elmo saka siya bumulong sa akin.

"Hayaan mo na muna yung bata. Nag-eenjoy siya eh."

"Eh kailangan na niyang kumain. Iinom pa siya ng vitamins niya." sabi ko.

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon